Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
Read media release   

Sinasaluduhan Ng NPA-Benito Tesorio Command Si Lt. Angelbert Gay Sa Kanyang Paglaban Sa Rehimeng Arroyo

Press Statement
Enero 28, 2006
Delio Baladon, TagapagsalitaZ
New People�s Army-Benito Tesorio Command

Ikinagalak naming mabalitaan ang ginawang pag-a-AWOL ni 2Lt. Angelbert Gay sa AFP at ang malamang na kaugnayan ng ginawa niyang ito sa mga pagkilos ng mga progresibong nakababatang opisyal ng AFP. Alam naming kabilang sa Lt.Gay sa grupong Magdalo na kumikilos para patalsikin ang kurakot, papet ng US, bulok at pekeng presidenteng si Gloria Arroyo.

Pamilyar sa amin si Lt. Gay. Naging commanding officer siya ng Charlie Company ng 45th Infantry Battalion Philippine Army na nakabase sa Brgy. Dibuluan, Jones, Isabela noong 2001-2002 at pagkatapos ay nalipat sa headquarters ng 45 IB sa San Mariano, Isabela noong 2003. Huling balita namin sa kanya ay nang gipitin siya ng rehimeng Arroyo matapos siyang masangkot sa pag-aaklas sa Oakwood noong 2003.

Pangunahing sandigan ng bawat rehimen sa ilalim ng reaksyunaryong Gubyerno ng Republika ng Pilipinas ang AFP at PNP. Sa katunaya�y pangunahing haligi ang mga ito ng neokolonyal na estado ng malalaking burgesyang kumprador at panginoong maylupa. Tuwi-tuwina�y nagkakabitak-bitak ang kontrarebolusyonaryong sandatahang pwersa dahil ekstensyon lamang ito ng paksyunalismo sa hanay ng mga naghaharing uri.

Si Lt. Gay, ang grupong Magdalo at iba pang progresibong grupo at elemento ang positibong resulta ng bangayan sa loob ng AFP. Puno ang mga nakababatang opisyal na ito ng ideyalismo, kahimat hindi pa nila nagagagap ang rebolusyonaryong tradisyon ng kabataang Pilipino. Kaiba sila sa mga pangkat na pinamumunuan ng mga nakatataas na retirado at aktibong opisyal militar na lumalaban sa rehimeng Arroyo pero tumatangging baguhin ang reaksyunaryong oryentasyon at bulok na katangian ng AFP.

Hinihikayat namin si Gay at iba pang mga progresibong elemento sa AFP, kabilang na iyong mga yunit at elemento sa loob ng 45 IB, 54 IB at 52 Reconnaisance Company ng Philippine Army at mga opisyal at elemento ng PNP sa timog Cagayan Valley na humanay sa malawak na alyansa ng mamamayan laban sa rehimeng Arroyo. Ang NPA at iba pang mga rebolusyonaryong pwersang nakapailalim sa National Democratic Front of the Philippines ay handang makipagkaisa at makipagtulungan sa inyo sa iba�t ibang paraan ng pagkilos upang patalsikin ang rehimeng Arroyo at buuin ang isang konsehong transisyunal ng mamamayan.

Maaari kayong umatras sa mga teritoryong saklaw ng Rebolusyonaryong Pamahalaang Bayan upang maging ligtas sa pagtugis ng mga pwersa ni Arroyo at magkonsolida. Handa ang mga yunit ng NPA na garantiyahan ang inyong seguridad. Pinakamahusay sa panig ng NPA at mga progresibong elementong anti-Arroyo sa AFP na magkaroon ng pag-uusap upang maiwasan ang mga labanan sa pagitan nila at mapahigpit ang koordinasyon at tulungan.

Nitong 2005 ay nasaksihan ang ibayong pag-igting ng digmang bayan. Di lingid sa lahat ang tumataas na kakayahan ng NPA na maglunsad ng mas marami at mas malalaking taktikal na opensiba. Dito lamang sa timog Isabela, nakapaglunsad ang Benito Tesorio Command ng NPA ng limang taktikal na opensiba na lumipol sa 85 tropa ng AFP. Dalawampu�t pitong militar ang nalipol sa Dicamay Uno, Jones noong Enero 24; dalawang militar ang namatay sa Madadamian, Echague noong Setyembre 22; 27 militar ang nalipol sa San Carlos noong Setyembre 24; apat na militar ang namatay sa Dicamay Dos, Jones noong Disyembre 16, at 25 pa ang nalipol sa Sta, Isabel, Jones noong araw ding iyon. Isang Pulang mandirigma naman ang nasawi sa mga labanang ito.

Mahusay na maipaabot ng mga pwersang anti-Arroyo sa loob ng AFP ang kanilang mga hawak na yunit at tauhan upang maiwasang mabira sila ng mga yunit panagupa ng NPA. Sa gayo�y maituon ang mga pagsisikap, lakas at rekurso ng magkabilang panig sa mga pwersang maka-Arroyo laluna iyong mga yunit, opisyal at kampo militar na ginagamit ni Arroyo laban sa mamamayan at sa mga pwersang lumalaban dito.

Inatasan na ng NPA-Benito Tesorio Command ang lahat ng mga yunit sa ilalim nito na ituon ang mga taktikal na opensiba sa mga pwersa ng AFP, PNP at iba pang armadong grupo at personaheng kasabwat ni Arroyo sa pangungurakot at panunupil sa mamamayan. Pinatigil na rin ang mga dating nakaplanong taktikal na opensiba na napag-alamang magsasangkot sa mga yunit at elemento ng AFP at PNP na kumikilos laban sa rehimeng Arroyo.


Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.