Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Pahayag hinggil sa magkasunurang pagpaparusa ng NPA kina Sek. Nilo Santos ng Angat at Dante Marcial ng San Miguel (dalawang multi-milyunaryong opereytor ng sindikato sa pagku-quarry sa Bulacan)

KOMITE NG LARANGANG GERILYA
Silangang Bulakan
Communist Party of the Philippines - CPP
New People's Army - NPA
National Democratic Front -NDF
Pebrero 25, 2003

Magkasunod na ginawad ang parusang kamatayan kina Sek. NILO SANTOS (kasalukuyang gumaganap bilang Municipal Planning & Development Officer � MPDO sa bayan ng Angat) at DANTE MARCIAL ng Sibul, San Miguel, Bulacan. Ang maksimum na kaparusahan ay ibinatay sa hatol at kapasyahan ng Hukumang Bayan dahil sa mga nagawa nilang mabibigat na krimen laban sa mamamayan at sa Rebolusyonaryong Kilusan.

May ilang pagkakahawig o komun na sirkumstansya na kapwa makikita kay Sek. Nilo at Dante:

  1. Kapwa nakapagkamal ng yaman at naging mga multi-milyonaryo ang dalawang ito sa pamamagitan ng perhuwisyong negosyo o sindikatong ipinundar sa kanikanilang lugar, ang operasyong pagku-quarry. Si Sek. Nilo ay tumipak ng malaki sa sand quarry sa Ilog-Angat samantalang si Dante Marcial ay nakapaghari sa kanyang lugar dahil sa kinamal na yaman mula sa marble quarry sa Bundok Mabio.

    Kapwa sila kinasusuklaman sa kanilang mga lugar dahil sa pagkamanhid nila sa idinadaing na mga reklamo�t kahilingan ng mamamayan. Ang kanilang mga negosyo ay walang-habas na pumipinsala sa buhay at kabuhayan ng mamamayan lalo na sa mga magsasakang natutuyuan ng tubig-panghalaman at mga residenteng nawawalan ng balong para maigiban ng matinong tubig-inuminan.

    Pinapatunayan ng mga independiyenteng mananaliksik sa geolohiya na ang tuloy-tuloy na pagpapasabog at pagtibag ng mayaman sa mineral na mga batong nakaimbak sa Bundok Mabio sa San Miguel � DRT at walang-humpay na ekstraksyon ng graba�t buhangin sa Ilog-Angat ay nakapipinsala ng malaki sa �water table� na pangunahing imbakan ng tubig lalo na sa panahon ng tag-tuyot.

  2. Kapwa sila may kasosyong mga bigating burukrata�pulitiko at kapwa protektado ng mga timawang pulisya�t militar. Kung si Sek. Nilo ay nagagamit ang tungkulin niya sa munisipyo kasapakat sina Mayor de Leon at Bokal Rivera, si Dante naman ay may Gobernadora Josie dela Cruz na pakubling nakikiparte sa kitang�sindikato sa pamamagitan ng kanyang asawang si Engr. Roger dela Cruz. Kapwa naka-payroll sa kanila ang mga taga-DENR, taga-DAR, lalo na ang mga opisyal ng PNP at AFP na nakabase sa Camp Tecson sa Tartaro, San Miguel at Sampaloc, San Rafael.

  3. Kapwa sila �nakikipaglaro� sa mga Kasama sa Rebolusyonaryong Kilusan sa layuning kumuha rin ng proteksyon para sa kanilang perhuwisyong negosyo ngunit kapwa sila nabigo. Si Dante ay patuloy na nag-alok ng kanyang salapi sa kanang kamay para diumano �makatulong sa Kilusan� habang ang kaliwang kamay ay nagtutustos sa magastos na operasyong militar para durugin at patahimikin ang Kilusang lumalaban at nakikibaka sa kanilang pagsasamantala. Samantalang si Sek. Nilo ay sadyang nakipagkaibigan sa inaakala niyang mga lider ng Kilusan upang gamitin o isangkalan sa pagkakalat ng intriga na siya/sila diumano ay pinapahintulutang mag-quarry ng mga Kasama kapalit ang suhol na siya mismo ang kumukulimbat at ipangalandakang iyon aniya ay �rebolusyonaryong buwis�.

    Nais naming ilinaw na ang patakaran ng kilusan sa pagbubuwis ay sumasaklaw lamang sa mga lehitimong negosyo. Hindi namin binubuwisan ang mga mapaminsalang negosyo tilad ng huweteng, beerhouse o putahan, pasugalan at iba pa. Bagkus, pinamumunuan namin ang paglaban dito.

  4. Kapwa sila may pagkakautang na dugo sa mamamayan. Si Sek. Nilo ay may indirektang pananagutan sa mga namatay sa Ilog-Angat dahil sa pagkalunod (hindi natural na pagkalunod dahil sa ang mga biktima ay karaniwang dumausdos lamang sa malalalim na hukay na nilikha ng quarry) at pagkagutom ng libo-libong mga magsasakang nawalan ng balong ng tubig sa kanilang sakahan. Samantala, si Dante Marcial naman ay tahasang gumamit ng kanyang armadong tauhan (private army) upang pumatay at magpapatay ng sinumang humahadlang sa kanilang negosyo/sindikato. Ilan sa kanyang pinatay o pinapatay ay ang dating Kapitan ng Sibul na si Totoy Mangalindan, ang lider-masa at konsehal ng Sibul na si Gemo Mananghaya, ang sarili niyang byenan na si Abeng Santos, Milio Tolentino at iba pa.

  5. Sa huling pagsusuri, dahil kapwa sila nahatulan ng Hukumang bayan ng maksimum na kaparusahan ay tiyak na hindi nila magagamit na pangsuhol sa Rebolusyonaryong Gobyerno ang milyon-milyon nilang kayamanan para baligtarin ang kapasyahan ng mamamayan.

DAPAT NA MAGSILBING BABALA SA IBA PA NILANG MGA KAURI ANG MASAKLAP NA KINAHINATNAN NINA SEK. NILO SANTOS AT DANTE MARCIAL!

Panlarangang Pamatnugutan sa Operasyon
BAGONG HUKBONG BAYAN - NPA
Komite ng Larangang Gerilya
PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS - CPP
Silangang Bulakan 25 Pebrero 2003

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.