Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Kampanyang anti-malarya ng BHB

 Read this article in English

Kasalukuyang isinusulong ang isang kampanya laban sa sakit na malarya sa mga lugar na kinikilusan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Isa itong kampanyang medikal, pang-edukasyon at pampulitika na sinimulan sa rehiyong Cagayan Valley noon pang 2001 at ngayo�y pinalalaganap sa iba�t ibang panig ng Luzon. Sa hinaharap, balak din itong ilunsad sa Mindanao. Ang kampanyang ito ay pinangungunahan ng N5 o ng National Medical Staff ng BHB.

Ayon kay Ka Eloi, pinuno ng N5, sesentruhan ng kampanyang ito ang mga lugar na pinakalaganap ang sakit na malarya, kabilang ang Isabela sa Cagayan Valley, ang Mindoro at Palawan sa Southern Tagalog at iba�t ibang lugar sa Central Luzon.

Ang malarya ay isang sakit na lubos na nakapipinsala sa mamamayan, nakasasagabal sa kanilang kabuhayan at umuubos ng kanilang rekurso. Marami ring mandirigma ng BHB ang nabibiktima ng malarya. May mga kaso ng paglitaw nito kung saan mabilis itong dumadapo at kumakalat sa mga magkakasama sa yunit o himpilan ng BHB. Nagpasya ang N5 na lalo pang pasiglahin ang kampanya laban sa malarya sa harap ng pagdami ng mga kaso nito sa hanay ng BHB at mamamayan.

Layunin ng kampanya na itaas ang syentipikong kaalaman ng mga Pulang mandirigma at mamamayan tungkol sa malarya, sa mga pampulitika at panlipunang dahilan kung bakit patuloy itong lumalaganap at hirap itong puksain ng umiiral na gubyerno, at sa pangangailangan ng komprehensibo at rebolusyonaryong pagkilos upang lubusan itong masugpo. Hangarin din ng kampanya na maisagawa ang mga hakbangin upang labanan ang mga epidemya at mabawasan ang bilang ng naaapektuhan ng sakit at namamatay mula rito.

Ang kampanya ay kinatatampukan ng malawakang pagsasanay at pag-aaral sa hanay ng mga kasama at mamamayan, pagtutukoy ng ugat at ng mas pangmatagalang kalutasan ng problema, pagbibigay ng BHB ng kagyat na mga serbisyong medikal at pagpapakilos sa mamamayan sa pagsisikap na kontrolin ang kapaligiran. Isang bahagi rin ng pakikibaka ang paniningil sa mga pagpapabaya ng reaksyunaryong gubyerno sa mga serbisyong pangkalusugan at iba pang saligang pangangailangan ng mamamayan.

Sa pangunguna ng N5, ang mga medik ng BHB sa antas ng rehiyon at larangan ay sumasailalim sa mga pagsasanay sa maagang pagtukoy at kagyat na pagbibigay-lunas sa sakit na malarya. Nitong Marso, matagumpay na inilunsad ang pagsasanay ng mga pangunahing medik ng BHB sa Central Luzon. Inaasahang mailulunsad ang katulad na pagsasanay sa Southern Tagalog sa loob ng kasalukuyang taon. Ang mga inisyal na sinanay ay inaasahang magpapalaganap ng kaalaman sa hanay ng karaniwang mga mandirigma at ng mamamayan.

Isa sa mga binibigyang-diin sa mga pagsasanay ay ang pag-aaral sa mga sintomas ng malarya na malaki ang pagkakahalintulad sa ibang sakit tulad ng tipos. Importante ang pagbibigay ng kagyat na lunas sa

Kaalinsabay ng pagbubuo ng mga organisasyong masa at pagsusulong ng mga demokratikong pakikibaka, pinakikilos din ang mamamayan sa mga kampanya upang linisin at kontrolin ang kapaligiran ng kanilang mga komunidad.
sakit na malarya upang iwasan ang paglala nito at paghantong sa nakamamatay na mga kumplikasyon.

Ang mga medik ng BHB ay tinuturuan ng microscopy o ng paggamit ng microscope upang masusing masuri ang dugo ng pasyente. Sa pamamagitan ng microscopy, makukumpirma ng mga medik kung anong parasito ang nagdudulot ng sakit sa pasyente. Sa tulong ng mga alyado, ang N5 ay nakapagsusuplay ng mga microscope sa mga klinikang pinangangasiwaan ng BHB. Ang mga makilos na yunit ng BHB ay sinuplayan at pinagdadala ng Rapid Diagnostic Test Kit bilang pansamantalang alternatibo sa microscope. Ang RDT ay kinabibilangan ng espesyal na papel na dinadampian ng dugo ng pasyente. Ang pag-iiba ng kulay nito ay nagsasaad ng presensya sa dugo ng parasitong nagdudulot ng malarya.

Sa mga lugar na may mga kaso o epidemya na ng malarya, ang mga yunit ng BHB ay naglulunsad ng mga serbisyong medikal mula sa pagsusuri sa mga pasyente hanggang sa libreng pamamahagi ng gamot sa mga biktima ng malarya.

Kaalinsabay ng pagbubuo ng mga organisasyong masa at pagsusulong ng mga demokratikong pakikibaka, pinakikilos din ang mamamayan sa mga kampanya upang linisin at kontrolin ang kapaligiran ng kanilang mga komunidad. Kabilang dito ang pagtitiyak na walang bagay o lugar na may tigil na tubig na maaaring pamugaran ng mga lamok. Ikinakampanya ang pagtatanim ng punong nym na nakatutulong sa pagtaboy ng lamok. Itinuturo sa mamamayan ang pagbababad tuwing anim na buwan ng kanilang mga kulambo at kurtina sa pyrethenoid compound, kemikal na pamatay ng lamok.

Kaakibat nito, tuluy-tuloy na pinalalalim ang mga ugat ng laganap na problema ng malarya at ang malalang sitwasyong pangkalusugan ng mamamayang Pilipino. Ipinatitimo sa kanilang kamalayan, na sa katuus-tuusan, ang pangmatagalang kalutasan sa malarya at sa iba pang mga sakit ay nakasalalay sa puspusang pakikibaka ng mamamayan tungo sa pagpapalit ng bago at rebolusyonaryong gubyerno at sistema sa naghaharing luma at bulok na gubyerno at sistemang panlipunan.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Hunyo 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Lumalalang krisis pangkabuhayan

Hindi mapapanatag ang paghahari ni GMA
Pananalanta ng Pasistang Estado:
Mga kaso ng pagpatay isinampa laban sa militar

Pandaigdigang Araw ng Desaparecidos, ginunita
Panibagong anomalya sa AFP, nabunyag
Kampanyang anti-malarya ng BHB
Ang sakit na malarya
Pagpapabaya ng gubyerno
Mga Ulat Koresponsal:
Mga tagumpay ng BHB sa Eastern Visayas

Matatagumpay na Opensiba ng BHB:
50 armas nasamsam sa mga reyd ng BHB

Matatagumpay na Opensiba ng BHB:
Hepe ng pulisya sa Angat, Bulacan pinarusahan

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.