![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Ikinulong nang isang araw sa loob ng Philippine Independent Church sa Roxas, Oriental Mindoro noong Abril 17 ang 61 kasapi ng Tanggol Karapatan-Southern Tagalog. Malisyoso silang pinagbintangang kumakandili ng isang sugatang Pulang mandirigma sa loob ng simbahan. Gamit ang ganitong walang batayang paratang, tahasang nilabag ng militar ang mga karapatan ng grupo. Kagagaling lamang ng grupo sa karatig-bayan ng Bongabong para sa isang fact finding mission. Ilang araw bago ito, naiulat ang pagpatay ng militar sa isang pitong taong-gulang na bata matapos magkaroon ng engkwentro sa pagitan ng mga militar at ng BHB sa lugar. Naiulat din ang pagdukot kay Edwin Macarinas, lokal na coordinator ng partidong Anakpawis sa lugar. Natagpuan siyang patay malapit sa lugar kung saan siya dinukot. Dumating sa simbahan ang grupo ng Karapatan-ST upang magpahinga at magpalipas ng gabi. Bandang alas-4:00 ng madaling araw nang palibutan sila ng mga 20 militar na naka-bonnet at armado ng matataas na kalibreng baril. May hinahanap diumano ang mga militar na sugatang tropa ng BHB. Walang nakitang rebelde ang pinapasok ng militar na hepe ng pulisya ngunit hindi pa rin agad pinahintulutan ng militar na makaalis ang grupo sa kapilya. Berbal silang inabuso ng militar. Pinalaya lamang ang grupo bandang alas 4:00 ng hapon nang mamagitan sa militar ang bise gubernador ng Mindoro. Dumating na rin ang mga kagawad ng midya. ![]()
|
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. |
|