Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino EnglishBisaya
   

CEASEFIRE MONITORING REPORT

Jorge "Ka Oris" Madlos
Spokesperson
NDF-Mindanao
Enero 02, 2005

Ikinagagalak naming ibalita sa sangkatauhan sa Mindanao at sa buong bansa, na sa pangkalahatan, taus-pusong sumunod ang mga yunit ng NPA sa Mindanao sa sampung araw na unilateral ceasefire na ideniklara ng pamunuan ng Communist Party of the Philippines at nagsimula noong Disyembre 23 hanggang Enero 2, 2005.

Sa kabilang banda, ang 22 araw na unilateral ceasefire na ideniklara ng reaksyunaryong rehimeng US-Arroyo at nagsimula noong Disyembre 16 hanggang Enero 5, ay namantsahan ng ilang mga paglabag ng mismong armadong pwersa nito.

Noong Disyembre 16, 2004, isang yunit ng 5th Scout Ranger ang nag-operasyon sa loob ng erya ng NPA sa sityo Palompon, San Isidro, Marihatag, Surigao del Sur. Bandang alang 4 y medya ng hapon ng nasabing araw, napilitan ang mga NPA snipers na paputukan ang nasabing tropa ng Scout Rangers para manangga. Namatay ang dalawang membro ng Scout Rangers habang walang casualty ang mga NPA.

Simula noong Disyembre 16 hanggang Disyembre 18, 2004, nagdaos ng war games ang mga tropa sa 30th IB, 58th IB at 23rd IB sa Simbalan, Buenavista, Agusan del Norte. Nagdaos ito ng pulong-pulong pagkatapos.

Sa Balit, San Luis, Agusan del Sur, hanggang sa kasalukuyan, patuloy na pinipilit ng mga tropa sa ilalim ni Col. Macanas na manatili sa baryo kahit na nagproprotesta ang mga tao na paalisin sila dahil sa mga abuso nila.

Noong disyembre 25, isang Teofilo Laguada ang binaril sa pinapaniwalaang asset ng militar na si Leviboy Edul sa Kalabat, Josefina, Zamboanga del Sur.

Simula�t sapul likas na sa pwersa sa AFP-PNP-CAFGU na hindi matapat na sumunod sa deklarasyon nitong ceasefire.



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.