Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino English
   

PRESS RELEASE
Information Bureau
Communist Party of the Philippines

Signipikanteng mga tagumpay ng BHB sa taong 2007, higit pa't mas malalaking tagumpay, napipinto sa 2008 -- PKP
Disyembre 27, 2007

Sinabi ng PKP ngayong araw na "nakamit ng BHB ang signipikanteng mga tagumpay pangmilitar nitong nakaraang taon, at napipinto ang mas marami't mas malalaking tagumpay bilang tugon sa pang-anibersaryong panawagan ng Partido na paigtingin ang mga pagsulong sa 2008."

"Batay sa aming pagsusuma ng napaka-parsyal pang mga ulat mula sa mga larangan, malinaw na nagkamit ng makabuluhang mga tagumpay ang mga rebolusyonaryong pwersa sa paglulunsad ng gerilyang pakikidigma. Pangunahin ang pagkabigo sa mga kampanyang militar na inilunsad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong taon," anang tagapagsalita ng PKP na si Gregorio "Ka Roger" Rosal.

Sinangguni ni Rosal ang mga ulat na nakalathala sa pahayagang Ang Bayan ng PKP at sinabing nakapaglunsad ang BHB ng di bababa sa 95 "malalaki't maliliit" na taktikal na opensiba sa buong bansa ngayong taon. Mayroong pang di bababa sa 200 di nakaulat na mga taktikal na opensibang inilunsad ng BHB laluna sa Mindanao. Sa mga inisyatibang militar na ito, nakasamsam ang BHB nang di bababa sa 327 sandatang kinabibilangan karamihan ng matataas-na-kalibreng riple, puu-puong-libong bala, at samutsaring gamit pangmilitar at pangkomunikasyon. "Ang mga sandatang ito ay sapat para armasan ang di bababa sa tatlong bagong kumpanya ng mga Pulang mandirigma."

Sinabi ni Rosal na "May mga itatala pa tayong mga tagumpay sa mga taktikal na opensiba ng BHB sa maraming larangang gerilya, laluna sa Mindanao, kung saan nagkaroon ng daan-daang matatagumpay na taktikal na opensiba ang BHB nitong nakaraang tatlong taon. Apatnaraan dito ang inilunsad noong 2006. Dito, nagtamo ang mga armadong pwersa ng gubyerno ng 330 kaswalti at nasamsaman ng BHB ng 300 sandata."

Sa mga tampok na tagumpay ng BHB ngayong taon, partikular na tinukoy ni Rosal ang reyd sa Davao Penal Colony noong Abril 7 kung saan nasamsam ang 108 iba-ibang armas "nang walang putok." Binanggit din niya ang pagpapabagsak sa isang Huey Helicopter ng Philippine Air Force nitong Disyembre 14 ng BHB sa Tanay, Rizal. Apat ang patay na sundalo at siyam ang sugatan dito.

"Di bababa sa 204 pwersang militar, pulis at paramilitar ng gubyerno ang napatay at mahigit 149 iba pang pwersang kaaway ang sugatan sa mga armadong engkwentrong ito. Siyam na sundalong gubyerno at elemento ng CAFGU rin ang naaresto sa labanan, naging mga bihag-ng-digma at pagdaka'y pinalaya sa makataong mga batayan," dagdag ni Rosal.

"Iginawad rin ang rebolusyonaryong parusa laban sa mga ilang elemento ng death squad ng AFP na nasa likod ng mga pagpatay na ekstrahudisyal na pakana ng mga upisyal sa national security ni Arroyo," ani Rosal. "Ang mga hakbang na ito'y isinagawa ng BHB matapos ang puspusang mga imbestigasyon at matamang pagsasapraktika ng due process," ani Rosal.

"Pinakamahalaga sa lahat, nagawa ng BHB na biguin ang antas-dibisyon, laking-brigadang mga kampanyang militar ng panunupil na inilunsad sa maraming larangang gerilya sapul noong Enero. Sa Rehiyong Ilocos-Cordillera, ang umaatakeng AFP ang nagtamo ng kaswalti na di bababa sa 33 mula Enero hanggang Abril. Sa Rehiyong Northeast Mindanao, katumbas ng kumpanya ang nawala sa 58th IB dahil sa mga kaswalti at dahil na rin sa mga demoralisadong tropa na nag-AWOL," bunyag ni Rosal.

"Kapansin-pansing naging napakababa ng moral sa hanay ng mga nakababatang upisyal at karaniwang sundalo ng AFP. Ito'y pangunahing dahil hindi nila madurog ang BHB na di makakailang may bentahe ng malalim at malawakang suporta ng masang magsasaka at iba pang bentahe tulad ng elemento ng surpresa, pagkakabisa ng kalupaan at iba pa," punto ni Rosal. "Dagdag pa, lubhang demoralisado ang AFP dahil sa korupsyon, pasismo at terorismo ng rehimeng Arroyo at ng pinakamatataas na upisyal nitong pangmilitar at panseguridad."

Natawa lamang si Rosal sa mga deklarasyon ni PA Chief Lt. Gen. Alexander Yano na kayang tapusin ng AFP ang rebolusyonaryong kilusan 'sa loob ng 39 linggo", nang may pasintabi sa ika-39 anibersaryo ng PKP kahapon.

Hinamon ni Rosal si General Yano na isuko ang lahat ng kanyang mga medalya at tanggapin ang 'dishonorable discharge" sa Oktubre 2008 gayong tiyak na mapapatunayang mali siya oras na magtapos ang "39-week" na oras niya.

"Papaano mabibigo ng mga armadong pwersa ng gubyernong malalim ang pagkakahati-hati, demoralisado at inutil ang solido, mataas-ang-moral at may-kakayahang-lumabang katapat na BHB," tanong ni Rosal. "Papaanong gagapiin ng mga pasistang reaksyunaryo ang BHB gayong naglulunsad sila ng brutal at barbarikong digma na lalo lamang nagtutulak sa paparaming mamamayan na kamuhian ang AFP at ang rehimen na pinaglilingkuran nito. Sa paglala ng kahirapan, pang-aapi at paghihirap ng masa ng sambayanan sa ilalim ng bulok at papet na rehimen, paparami lamang ang mamamayang nag-aarmas at sumasanib sa BHB."

"Ni hindi maikonsentra ng AFP ang bulto ng nanlalabang pwersa nito sa mahigit 10% ng lahat ng larangang gerilya ng BHB. Desperado nilang pinabibilis ang pagrekluta ng mga pwersang paramilitar, samantalang kumakaunti ang kanilang mga tagumpay at nadadagdagan ang mga kapunahan, lalo at maraming myembro ng CAFGU ang naiuulat na napaghihinalaang sumusuporta sa BHB," ani Rosal. Binanggit niya ang insidente kung saan limang elemento ng CAFGU ang minasaker noong Hunyo 28 ng mga elemento ng 29th IB sa Las Nieves, Agusan Sur, matapos paghinalaan ang mga itong tumutulong sa BHB sa reyd ng detatsment ng 23rd IB isang araw bago nito.

"Naglalayon ang BHB na makamit ang mas malalaking tagumpay sa susunod na taon alinsunod sa panawagan ng pamunuan ng PKP na pabilisin ang mga pagsulong," ani Rosal. "Inaasahan nating makapaglulunsad ang BHB ng mas malalaki at nas nadadalas na taktikal na opensiba simula sa unang kwarto ng 2008."

"Lahat ng yunit ng BHB ay hinahamong lagpasan pa ang lahat ng tagumpay ng mga nakaraang taon," ani Rosal.

Reference:
Marco Valbuena
Media Officer
Cellphone Numbers: 09179776392 :: 09282242061
E-mail:[email protected]


Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Multimedia]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.