|
Ruth Firmeza 2 July 1980
Reyd!
Gapang...
Matagal nang hinihintay na pagkakataon...
Matulog lang kayo nang singtahimik ng haplos
Ng malamig na hangin ngayong gabi,
Marahas na pasistang nakakampo.
Nabasa sa hamog ang baril
Na aking hinahawakan nang mahigpit,
Hindi nararamdarnan ang lamig
Ng lagaslas ng rumaragasang ilog
Na nagagasgas na ng kimpal ng lupa.
Mainit ang paghalo ng pawis at alab ng damdamin,
Hindi talaban ng ginaw
Ng bumababang ulap ng hamog.
Praak! Kablum!
Nasisinagan ng kislap ng bala
Ang paligid.
Sumasabog at nayayanig ang lupa!
Walang sagot ang mga pasista...
Wala silang imik... Nalipol sila!
Akyat!
Laganap na ang dilim,
Nagkukubli na ang buwan at nababanaag
Pa rin ang liwanag ng nasusunog na kampo.
Mapula pa rin ang baga nito,
Matatanaw sa mataas na burol
Ang hindi mapatay na apoy.
Sumalubong ang masayang mamamayan,
Itinataas nila ang nakumpiskang baril.
"Dagdag na baril ng mamamayan, maglilingkod sa kanila ngayon!
(A.S.)
|
|