Ang rebolusyon ay pag-ibig - pag-ibig, pagyakap sa masa,Masang anakpawis, nilugmok sa daan-taong pagdurusaNg uring halang at ganid, uring mapang-alipusta.Ang pag-ibig ay paghulagpos - paghulagpos na mapagpasya.Totoong mabigat ang pasan nating panataKatumbas ay dugo, buhay itinataya paHindi hinihingan kapalit itong paglayaAlay sa kabataan, siyang tunay na pag-asa.