Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR,
Ulos: Setyembre 2000
Tula
TOC Isang Malamig na Umaga At Naggigitara Ang Kasama


Kasama, kapatid ng awit at unos, Mga balingkinitang daliri ng ulan sa himig mo At mga mukha sa isipan at pagitan ng langit at lupa: Ipinapaalala mo sa amin ang mga pira-pirasong katawan Ng hamog ng kulay-abong pagdadalamhati Nitong umaga ng isa na namang araw ng buhay at kamatayan, Habang itinatambol ng mga kamay ng ulan ang nagdidilim na lupa At kami ay namahinga sa puting pag-asa ng langit. Dumadalaw sa aming gunita ang mga larawang di-maabot, Mga baryong liblib, o pinagmulang syudad, Mga malalayong kariwasaan ng tahanan at dating gawi, Kundi lamang sa pagsasamahan at panawagang mag-aklas, At hudyat ng digmang bayan isang araw ng paniningil sa laban Pagkatapos ng walang-pandong na kataimtiman sa Sag-od* Damdaming malalim sa Pulang mandirigma Ang katahimikang dulot ng pasistang masaker. Ay, kasama, kapatid ng awit at unos, Ang kapangyarihan ng mga himig mo'y nakikiisa Sa ulan na pinupuno ang mga sapa na dumadaloy sa mas malalaking mga ilog Sa aming loob. At sa aming mga pusong Batid ang makapangyarihang mga kwento Ng buhay at kamatayan, Ang daluyong ng digmang bayan ay nagpapatuloy.   *Sag-od - bayan sa Samar na pinangyarihan ng isang malagim na masaker  
 


Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.