Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR,
Ulos: Setyembre 2000
Tula
TOC Para sa Aking mga Magulang


  Kung ang buhay ay isang maaliwalas na langit, may ngiti't sinag ng araw at maging ang gabi'y maningning at payapang kandungan ng mahimbing na pagtulog na may magagandang panaginip Hindi sana kami mawawalay mapag-arugang haplos ng inyong mga kamay.   Subalit may panahong dinadalaw ang langit ng maiitim at makapal na ulap Unti-unting tinatakpan ang aliwalas nito't sinag ng araw, at ningning ng gabi Gayon din ang dala nitong kulog at kidlat sumisira sa mahimbing naming pagtulog at mumunting pangarap na makapiling kayo minamahal na magulang.   Noon pa ma'y naiintindihan ko na kung bakit kailangan malayo kami sa inyo Sapagkat ang landas na inyong tinahak ay masyadong marahas para sa isang bata At ang lahat ng inyong pagsisikap ay para din sa amin.   At ngayong malaki na ako't kapiling na kayo mas lalong tumingkad ang aking paggagap sa pakikibakang pinagbubuhusan nyo ng pawis at buhay Pawis at buhay na nakalaan sa amin at sa uring inaapi't inaabuso ng naghaharing uri.  


Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.