Ang buwan ay payapaWalang ulap ni hampas ng hanginAng gumagambala sa liwanag ng buwanSa likod ng mga aninoKubli ng madawag na halamananMga Pulang madirigma'y nagbabantayMatamang nakikinig, nakikiramdamSa bawat yabag ng mga paaSila ang mga taliba ng magdamagMabilis at tiyakLaban sa atake ng kaawayAng masidhing liwanag ng buwanAng magigiting na taliba ng magdamagHanda sa anumang panganibNa maaaring dumalaw ngayong gabi