Kami ng aking kauban1 at karelas2
Matapos ang agahang gabi at asin
Dun sa poste'y nag-unahan sa pagkalas
Ng aming terno't bagong isyung M-16.
A, talagang di s'ya nakapagkonsentra
Palibhasa'y kulit ang aking taktika
Sa asaran matinik din ang gerilya
Sino'ng panalo? Ako, wala nang iba.
Matapos ang paligsahan siya ay aking inakbayan:
"Tiyak akong panalo tayo sa reyd bukas, kauban;
Sa tingin ko'y hindi pa naman tayo pararangalan."
Kami ng aking kauban at kadobol
Matapos ang tanghaliang medyo bitin
Dun sa poste'y nag-unahang mag-asembol
Ng aming terno't bagong isyung M-16.
Anu't ako naman ang nadisoryenta
Palibhasa'y tumitig na lamang sa kanya
Sa ngiti, ako'y kanyang namaniobra
Sino'ng panalo? Siya, sino pa ba?
Matapos ang paligsahan ako'y kanyang sinandalan:
"Malapit na nga rin pala ang anib ng H, kauban;
Di ba't ang sabi mo, doon mo ako pakakasalan?"
kauban - kasama
karelas - karelasyon
|