Helmet nami'y hamog,
pawis at sentidong
pinakikislot ng Sag-od;
at sa dalang ng kisapmata,
alitaptap ang kamoplahe
ng aming panlilisik:
Kandado na, kandado na
sa aming pang-asinta
ang mga panga ng pasista-
ayun ang isa, ayun ang lima pa,
nagdidinuguan at nagseserbesa-
namumuwalan, walang-muwang
na ilang ngasab at tungga na lang,
tingga na ang tutungkab
sa kanilang tinga.
Kasado na, kasado na
sa awtomatik ang platun
ng bakal at hintuturo:
Sa erya ng reyd,
Naghihingalong buwan
ang gatilyo.
|