Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR,
Ulos: Setyembre 2000
TOC Kwentong Kusina


Mahilig sa Kalikasan

Isang yunit ng hukbong bayan ang ilang oras na ring binabagtas ang kagubatan. Pawis na pawis at hinihingal na sa pagod ang mga kasama. Kaya halos nagkabungguan sila sa isa't isa nang biglang napatigil ang kasamang nanggigiya, nilagay ang mga kamay sa baywang, at tumingin-tingin sa paligid.

"Bakit, Ka Obet?" tanong ng mga kasama. Nang hindi siya sumagot, isang kasama sa likod niya ang sumilip sa kanyang balikat at bumulong, "May kaaway ba?"

"Wala naman," sagot ni Ka Obet. Umiling ang nagtanong sa mga nasa likod niya at sinabing wala namang kaaway. Lumapit ang isa pa at tumingin din sa paligid. "Aba," wika niya, "kayganda pala ng lugar na ito. Kayraming bulaklak, at masayang nagtatawagan ang mga ibon. Kaya naman pala napapatigil si Ka Obet-mahilig lang talaga siya sa kalikasan!" Nagtawanan ang lahat ng mga kasama.

"Ano?" Lumingon sa kanya ang napamanghang si Ka Obet. "Wala akong napapansing kalikasan. Hindi ko na nga alam kung nasaan na tayo. Kaya nga ako napatigil, eh, dahil naliligaw na tayo!"


Bato at Tinapay

Kahit sa gitna ng gubat ay kumakain ng mainit na tinapay ang mga kasama. Ang biyayang ito�y galing kay Ka Joni, ang panadero ng kampo. Dating trabahador sa konstruksyon at marami pang mabibigat na trabaho ang pinasukan ni Ka Joni bago siya sumampa sa BHB.

Sa kampo, maraming tagahanga si Ka Joni na madalas siyang pinapanood sa paggawa ng tinapay. Minsa�y may isang pumuri sa kanya, �Kasama, magaling ka talaga sa paggawa ng tinapay. Ang husay mong magmasa ng harina�parang totoong panadero ka!�

�Dapat talagang marunong magmasa ng harina �yan,� kantiyaw naman ng isang kasama, �dahil sanay na sanay na siyang maghalo ng simento dati. Noo�y ang hinahalo niya�y nagiging bato. Ngayon nama�y nagiging tinapay!�



Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.