Pahayag ng PKM Casiguran Chapter kaugnay sa AZESA ng Dynastiyang Angara Enero 15, 2009
TUNAY NA REPORMA SA LUPA, HINDI ASEZA!!!
Tahasang ipinangangalandakan ng Daynastiya ng mga Angara sa mamamayan ng Aurora, na walang makakahadlang sa anumang naisin nila dito sa ating Probinsya.
Hindi na lingid sa kaalaman ng mga tao dito sa Aurora ang napakahabang rekord ng matitinding pangangamkam ng lupain ng mga Angara. Sa katunayan, halos lahat ng bayan dito sa ating probinsya ay hindi nakaligtas sa pangangamkam nila ng lupain. At hindi pa dito nagtatapos! Dahil sa ngayon, gamit ang kanilang kapangyarihan sa pulitika mula sa pagiging Mayor, Governor, Congressman at Senador madaling madali nilang naisakatuparan na maging batas ang kanilang pangangamkam ng lupain sa basbas ng kanilang kakutsabang Rehimen ni GMA at sa udyok ng kanilang kasosyong malalaking dayuhang kapitalista. Ito ang RA 9490 o ang Aurora Special Econamic Zone sa ilalim ng kanilang pakana at planong Aurora Economic Dev�t Program. Ang proyekto na ito ang magbibigay din ng itsura sa pambansang proyekto ng rehimen ni Gloria ang Medium Term Phillipine Development Plan.
Gamit ang mapanlinlang na karatulang �Proyektong Pangkaunlaran�, nagkandarapa silang ipatupad ito mula nang naging batas ito noong January 07 kahit walang abiso sa mamamayan ng Aurora. Sa mga oras na ito maliwanag pa sa kislap ng alahas ni Bella Angara ang epekto dulot ng pagbwelo ng poyektong ito. Sa katunayan sunod-sunod ang mga pagbabanta at mismong pagpapalayas sa mga lupaing tinitirikan ng bahay at sakahan. Ito ang aktwal na pangyayari sa kasalukuyan sa Dingalan na pagtatayuan ng Port (Daungan). Ang sapilitang pagpapalayas sa mga sakahang masasakupan ng Coconut Dwarf Plantation sa Dinalungan. At ang malawakang pagpapalikas sa mamamayan Brgy. Bianoan, Brgy Estevez at Brgy Dibet sa Bayan ng Casiguran para sa pagsasakatuparan ng Aurora Special Economic Zone Act.
Bilang pakonsuelo sa mga mapapalikas, may nakahanda diumanong mga �Proyektong Pabahay� ang Gobyerno. Itatapon nila ang mga tao sa mga itinakda nilang Relocation Area na walang katiyakan sa kabuhayan. Kagaya na lang ng pagdadalhan sa mga mamamayang mapapalikas dulot ng ASEZA sa Bayan ng Casiguran. Isang kasulok-sulukang lugar sa kagubatan, sa Tri-X, sa Brgy. Bianoan. At para mapahupa ang init ng ulo ng mga tao nangako sila ng mga trabahong hatid ng proyektong ito kapalit ang sustinableng kabuhayan ng mga tao sa lupang kanilang binubungkal o sinasaka.
At sa mga taong di sasang-ayon o di susunod sa kanilang kagustuhan sa kabila ng kanilang pambobola, naririyan ang masugid na alagad nila Angara. Ang pangunahing makinarya nila sa mabilisang pagpapalikas, ang mga elemento ng 48t IB ng AFP at PNP.
Ngunit sa kabila ng ganitong kalagayan mariing na tumututol ang mamamayan ng Aurora. Mulat ang tao na kung sino ang pangunahing makikinabang ng proyektong ito. Wala ng iba kundi ang Daynastiya ng Angara, ang mga kasosyong malalaking dayuhang kapitalista at ang Rehimen ni Gloria Macapagal-Arroyo.
Pinatunayan ng kasaysayan ng mga rehimeng nagdaan, mula sa unang Presidente hanggang sa kasalukuyan na wala silang kaseryosohang harapin ang Tunay na Reporma sa Lupa na hinahangad ng mga naghihirap na mamamayan. Hanggat nananatili ang kapangyarihan ng Reaksyunaryong Gobyerno ng mapagsamantala at mapang-aping uri magiging pangmalagian ang banta ng kawalan ng lupang masasaka sa pamamagitan ng pangangamkam.
Nananawagan ang Rebolusyunaryong kilusan sa lahat ng mga pinagsasamantalahan at inaaping mamamayan ng Aurora na lumahok sa armadong pakikibaka. Sa paraan ng pagbubuklod ng malawak na pagkakaisa sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga rebolusyunaryong organisasyon katulad ng Pambansamg Katipunan ng Magbubukid na isa sa makinarya upang maipatupad ang Programa ng Demokratikong Rebolusyong Bayan- ang rebolusyonaryong reporma sa lupa. Ang minimum na programa ay ang sama-samang pagpupusisyon at pagtatanggol sa mga lupang tiwangwang at pagpapaunlad ng kooperasyon, pagpapababa ng upa sa lupa, pagpapataas ng presyo ng lahat ng produkto, pagpapababa ng interes ng pautang, pagpapababa sa presyo ng kagamitan sa produksyon. Ipatutupad ang mga ito habang nagpupundar pa ng lakas ang rebolusyonaryong kilusan. Sa pagtatagumpay ng rebolusyon ay ipatutupad ang maksimum na programa- ang pagkumpiska ng lupa ng mga panginoong maylupa at pamamahagi nito ng libre sa mga mamamayan.
Sa pamamagitan lang ng armadong pakikibaka malalabanan ang pangangamkam ng mga panginoong may-lupa at mga burukratang katulad ng mga Angara at maisasakatuparan ang mga kahilingan ng mga magsasaka laban sa mga pagsasamantala at pang-aapi. Nakasalalay sa paglakas ng BHB (NPA) ang pagpupundar ng lakas at kakayahan ng masang magsasaka upang biguin ang mga pakana ng uring panginoong may-lupa na pinangungunahan ng pamilyang Angara. Ang BHB ay armadong pwersa na nakalaan upang ipagtanggol at igiit ang karapatan ng masang magsasaka.
IPATUPAD ANG TUNAY NA REPORMA SA LUPA!!!
ISULONG ANG DEMOKRATIKONG REBOLUSYONG BAYAN!!!
SUMAPI SA BAGONG HUKBONG BAYAN!!!
PAMBANSANG KATIPUNAN NG MGA MAGBUBUKID (PKM) CASIGURAN, AURORA
###
Back to top
|