Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


NDFP Homepage The NDF and its representatives (statements links) NDF International Office Allied Organizations (statements links) Gallery of Heroes and Martyrs Peace Talks Documents
CARHRIHL: Makasaysayang karagdagang sandata ng mamamayan (Primer)

Apendiks A.

Mga pinal na husga sa mga lokal at pandaigdigang hukuman kaugnay sa mga kaso ng diktador na si Marcos na isinasaalang-alang sa pagsuporta sa pakikibaka para sa katarungan ng mga biktima ng batas militar:

Pinal na husga ng US laban kay Marcos:

Marami nang kaso ang isinampa ng mga biktima ng mga paglabag sa mga karapatang-tao sa US. Isa sa mga pinakatampok na kaso yaong class suit na isinampa ng may 9,500 bilanggong pulitikal ng diktadura laban kay dating diktador na Ferdinand E. Marcos. Isinampa ito nang siya ay naka-exile sa Hawaii noong 1986. Ipinagpatuloy ito laban sa kanyang propyedad pagkamatay niya noong 1989.

Napatunayang si Marcos ay nagkasala ng tortyur, pagpatay, at sa pagkawala (disappearances) ng mga biktima. Iniutos ng federal court na magbayad siya ng kabuuang $1.9 bilyon bilang danyos.

Resolusyon ng Senado Blg. 1640:

Ito ay ang Resolusyon ng Ikatlong Regular na Sesyon ng Ikasampung Kongreso ng GRP noong Oktubre 17, 1997. Isinasaad nito na "ang pakikipag-areglo (compromise settlement) sa mga Marcos hinggil sa umano'y nakaw na yaman ay dapat nang harapin ng Gubyerno" pangunahin upang maigawad na sa mga biktima ng batas militar ang karampatang kabayaran galing sa mga Marcos.

Binigyang-diin din ng resolusyon na anumang pakikipag-areglo sa mga Marcos ay hindi mangangahulugang ligtas na sila sa kriminal na pag-uusig.

Desisyon ng Korte Supremang Swiss noong 1997:

Noong 1997, kinilala ng Korte Supremang Swiss ang paggiit ng mga biktima ng batas militar para sa kompensasyon. Gayunpaman, hinihintay nito ang pasya ng mga korte sa Pilipinas na patunayang nakaw na yaman ang mahigit $500 milyon ng mga Marcos sa mga bangkong Swiss. Noong 1990 pa man ay nagpahayag na ng kahandaan ang gubyernong Swiso na ilipat sa Pilipinas ang salaping nauugnay sa mga Marcos at sa usapin ng indemnipikasyon sa mga biktima ng batas militar.

Noong 1998, iniutos ng Korte Supremang Swiss ang paglipat ng $500 milyon mula sa mga bangkong Swiss tungo sa isang escrow account sa Pilipinas. Ang escrow account ay halaga ng salapi na pansamantalang nakalagak sa "ikatlong partido" at nakatakdang ipagkaloob sa nagpepetisyon para rito oras na matupad ang ilang kundisyon.

Bibitawan lamang ng gubyernong Swiss sa Gubyerno ng Pilipinas ang may $500 milyong naturang salapi oras na may maabot nang kasunduan sa pagitan ng mga Marcos, ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas at ng mga biktima ng batas militar kung papaano paghahati-hatian ito.



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.