Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
PANAYAM KAY KA ROGER
Mga Paglilinaw
 Basahin sa Ingles
  1. Papaano sumasapi sa rebolusyonaryong kilusan?
    Pinarurusahan ba ang mga nais tumiwalag sa kilusan?


  2. Ano ang patakaran ng NPA sa pagrerekrut ng mga bata?


  3. Ano ang kahulugan ng rebolusyonaryong pagbubuwis?


  4. Kani-kanino inilalapat ang rebolusyonaryong pagbubuwis?


  5. Pakilarawan ang proseso ng rebolusyonaryong pagbubuwis sa mga kaaway sa uri?


  6. Ano ang patakaran hinggil sa mga homosexual sa kilusan?


1. Papaano sumasapi sa rebolusyonaryong kilusan? Pinarurusahan ba ang mga nais tumiwalag sa kilusan?

(Natatawa) Tulad ng nabanggit ko kanina. Ang pagsapi sa Partido, sa BHB at sa NDF, ay boluntaryo. Mayroong sinusunod na saligang batas at mga pangkalahatang alituntunin sa pagsapi sa mga ito. Ipinauuwa sa mga sumasapi ang mga layunin, ang mga prinsipyong ipinakikipaglaban, mga pamantayan, mga hirap at sakripisyong susuungin, mga tungkulin
at karapatan, mga patakarang pang-organisasyon at pandisiplina. Ang sinumang pumasa sa mga takdang pamantayan at dumaan sa takdang proseso ay maaaring maging kasapi. Ang mga sumasapi sa Partido ay dumadaan sa panahon ng pagiging kandidatong kasapi---anim na buwan para sa manggagawa, maralitang magsasaka, malamanggawa at mababang petiburgis---at sa proseso ng pag-unlad sa loob ng halos ganoon ding panahon ay maaaring maging ganap na kasapi na.

Kung dumating ang isang panahon na sa iba't ibang kadahilanan at sa kabila ng pagsisikap na mahikayat ang isang kasapi upang manatili ay talagang ayaw na niya dahil hindi na makayanan o magampanan ang kanyang tungkulin, anumang oras ay libre at panatag siyang makatitiwalag o makaaalis dito. Pero, kung siya ay may mga mabigat na krimen laban sa rebolusyonaryong kilusan at mamamayan, pananagutan pa niya ang kanyang mga krimen, kasapi man siya ng Partido o hindi, nasa rebolusyonaryong kilusan man siya o hindi.TOP

2. Ano ang patakaran ng NPA sa pagrerekrut ng mga bata?

Mahigpit ang mga alituntunin ang BHB sa rekrutment. Batay sa Geneva conventions, pwede nang magrekluta ng mga mandirigmang 15 taong-gulang pataas. Pero, mula pa 1998 ginawa ito ng BHB na 18 taong-gulang at mula noon ay ito na ang ipinatutupad. Hindi na lamang ang internasyunal na batas ang kinonsidera, kundi maging ang pangangailangang matiyak na hindi na isip-bata bagkus ay may hustong gulang at kaisipan na ang mga nirerekrut, bukod pa sa ibang pamantayan---tulad ng pagiging aktibo sa rebolusyonaryong kilusan, dumaan sa mga pag-aaral, gumagampan sa mga rebolusyonaryong tungkulin, mahusay ang pag-iisip at pangangatawan, walang masamang rekord sa mamamayan, may rekomendasyon ng Sangay ng Partido at iba pang masa sa lokalidad, at iba pa. Kinonsidera din nang malaki ang opinyon ng publiko tungkol sa bagay na ito, laluna't ang usapin at mga datos ay binabaluktot ng AFP at mga ahensya pangsaywar ng kaaway para siraan ang BHB sa mata ng publiko. Sa gayon, mahigpit ang utos ng Komite Sentral ng Partido sa buong Partido at sa BHB na istriktong ipatupad ang 18 taong-gulang na pamantayan sa pagrerekrut ng mga Pulang mandirigma.TOP

3. Ano ang kahulugan ng rebolusyonaryong pagbubuwis?

Tulad ng anumang organisasyon, laluna isang naglulunsad ng rebolusyonaryong digma at nagtatayo ng gubyerno, hindi ito mabubuhay, makatatayo, makakakilos nang tuluy-tuloy kung wala itong pinangggagalingan para gugulin sa mga gastos nito.

Ang pagbubuwis ay bahagi ng pagtatayo ng anumang gubyerno, reaksyunaryo man or rebolusyonaryo. Ang layunin ng reaksyunaryong pagbubuwis ay upang suportahan ang mga operasyon ng umiiral ng papet na gubyerno ng malalaking komprador-panginoong maylupa. Gayundin, pero sa konteksto ng kaibang-kaibang makauring pamumuno, prinsipyo at mga patakarang panlipunan, ang layunin ng rebolusyonaryong pagbubuwis ay upang suportahan ang mga operasyon ng rebolusyonaryong gubyernong bayan. Para rin ito sa benepisyo ng mamamayang saklaw ng rebolusyonaryong kilusan.

Sa ating bansa sa kasalukuyan, tanggapin at sa hindi ng mga naghaharing uri ay mayroong dalawang gubyernong umiiral. Ang isa ay ang reaksyunaryo at papet na gubyernong nakasentro sa Maynila at pinamumunuan ng punong papet ng US na si
Ang mismong bagay na kinakaya ng rebolusyonaryong kilusan na magpatupad ng pagbubuwis ay nagpapamalas ng pagkilala ng mga nagbabayad ng buwis-kabilang ang mga kaaway sa uri--sa katotohanan ng rebolusyonaryong kapangyarihang pampulitika sa mga erya kung saan epektibo itong umiiral.
Gloria Macapagal-Arroyo. Sa buong Pilipinas kung saan nakakalat ang mahigit na 120 larangang gerilya ng BHB, kahit na wala pang nakatayong pambansang rebolusyonaryong gubyerno, may mga umiiral nang mga binhi ng rebolusyonaryong gubyernong bayan sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas. Sa mga lugar na ito napakahina na ng kontrol at impluwensya ng reaksyunaryong gubyerno sa mamamamayan at ang pangunahin nang naglalatag at nagpapatupad ng mga patakaran ay ang mga rebolusyonaryong organo ng kapangyarihang pampulitika.

Ang rebolusyonaryong pagbubuwis ay lehitimong ipinatutupad nitong mga binhi ng rebolusyonaryong gubyerno at pinasasaklaw kung saanpaman umaabot ang rebolusyonaryong kapangyarihang pampulitika ng mamamayan.

Ipinatutupad ng rebolusyonaryong kilusan ang rebolusyonaryong pagbubuwis sa maraming dahilan: Una na, dito nanggagaling ang kalakhan ng pondong pang-operasyon ng rebolusyonaryong gobyerno at buong rebolusyonaryong kilusan. Sapagkat kasalukuyang nakikibaka, nagrerebolusyon, kailangang kailangan din ng rebolusyonaryong kilusan ang panustos para pambili ng mga pangangailangan ng mga mandirigma---mga sandata, bala, at iba pang pangangailangan sa digma.

Kailangan din ang rebolusyonaryong pagbubuwis para sa iba't ibang serbisyo sosyal sa saklaw ng gubyernong bayan tulad ng mga programa para sa pangangalaga ng kalusugan ng mamamayan, pagpapalaganap ng edukasyong pangmasa at pagpapaunlad sa kultura ng mamamayan, pagpapaunlad sa produksyon, mga proyektong pang-ekonomya at iba pa.

Kaalinsabay ng mga buwis at kontribusyon ng mga kasapi ng Partido at mga rebolusyonaryong organisasyong masa, boluntaryong kontribusyon mula sa masa at mga alyado at mga kita mula sa sariling produksyon ng BHB, ng mga rebolusyonaryong organisasyong masa at ng rebolusyonaryong gubyernong bayan, sinusuhayan ng rebolusyonaryong pagbubuwis ang pagtatayo-sa-sarili ng rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas.

Ang mismong bagay na kinakaya ng rebolusyonaryong kilusan na magpatupad ng pagbubuwis ay nagpapamalas ng pagkilala ng mga nagbabayad ng buwis-kabilang ang mga kaaway sa uri-sa katotohanan ng rebolusyonaryong kapangyarihang pampulitika sa mga erya kung saan epektibo itong umiiral.TOP

4. Kani-kanino inilalapat ang rebolusyonaryong pagbubuwis?

Ang rebolusyonaryong pagbubuwis ay ipinatutupad sa kabuuan ng epektibong saklaw ng rebolusyonaryong paggugubyerno.

May tatlong andana ng makaauring aplikasyon ng rebolusyonaryong pagbubuwis---sa mga kaaway sa uri, sa mga kaalyadong uri, at sa mga benepisyaryo ng rebolusyong agraryo. Progresibo ang katangian nito dahil ang pagpoporsyento at pagkaistrikto ay nakabatay sa uri. Ang bulto ng rebolusyonaryong buwis-hanggang mga 90%-ay kinokolekta mula sa mga mapagsamantala at mapang-aping naghaharing uri. Minimal at boluntaryo ito sa bahagi ng mga demokratikong uri, laluna sa bahagi ng masang anakpawis. Kabaligtaran ito ng pagbubuwis ng reaksyunaryong gubyerno, na progresibo lang sa papel pero sa katunayan ay atrasado dahil nagbibigay lang ito ng higit na pangganyak sa yaman habang binubuwisan ang kahirapan.

Ang rebolusyonaryong pagbubuwis sa mga kaaway sa uri ay ipinapataw pangunahin na sa mga empreso o operasyong pag-aari ng malalaking dayuhang kapitalista, malalaking komprador kapitalista, malalaking burukratang kapitalista at malalaking panginoong maylupa sa saklaw at paligid ng mga larangang gerilya. Ang mga proyekto ng rebolusyonaryong gubyerno na may anumang kagagawan sa mga rebolusyonaryong erya ay saklaw din ng rebolusyonaryong pagbubuwis.

Ang rebolusyonaryong pagbubuwis ay sekundaryong inilalapat din sa mga operasyon ng mga alyadong uri, tulad ng mga intermedyang-laking negosyante at mayamang magsasaka. Pero sa katunayan, walang ginagawang sapilitang pagpapataw at walang paglalapat ng mga parusa sa kanila
Progresibo ang katangian nito dahil ang pagpoporsyento at pagkaistrikto ay nakabatay sa uri...Kabaligtaran ito ng pagbubuwis ng reaksyunaryong gubyerno, na progresibo lang sa papel pero sa katunayan ay atrasado dahil nagbibigay lang ito ng higit na pangganyak sa yaman habang binubuwisan ang kahirapan.
dahil sa di pagbabayad ng buwis. Wala naman talagang ginagawang pormal na pagtataya at nagbibigay na lamang ng mga mungkahi na may maluwag na puwang para sa mga rasonableng pagliliban at iba't ibang konsiderasyon, laluna dahil sa pag-iral ng magandang relasyon at alyansang kasiya-siya sa magkabilang panig.

Ang paggamit ng dahas sa pagpapatupad ng pagbubuwis ay ipatutupad lamang sa mga negosyo, proyekto at operasyon ng mga kaaway sa uri, imperyalistang ahensya at reaksyunaryong gubyerno, pero ito lamang ay kung magmamatigas sila sa pagtangging bayaran ang kanilang mga pananagutan sa rebolusyonaryong gubyerno.

Ang rebolusyonaryong pagbubuwis ay ipinatutupad rin sa mga magsasaka, manggagawa at malamanggagawa mula sa tiyak na malalaking paglago ng kanilang kita bunga ng mga tagumpay ng rebolusyonaryong reporma sa lupa at iba pang pakikibakang agraryo. Maliit lang ito, halimbawa, dalawang porsyento ng netong kita ng mga maralitang kasamá nakinabang sa pagpapababa ng upa sa lupa. Pero, lahat nito ay boluntaryo at masayang iniaambag ng mga nagbenepisyo sa mapagpasyang papel ng rebolusyonaryong kapangyarihang pampulitika. Binibigay nila ito bilang suporta sa pagsusulong ng rebolusyonaryong kilusang kinabibilangan nila. Walang sapilitang ipinapataw sa kanila at sa katunayan kadalasang ang mga benepisyaryo pa nga ang gumagawa ng sariling pagtataya ng halagang ibabahagi nila sa rebolusyonaryong kilusan.

Bagamat sapat para pagbatayan ng pagtatayo-sa-sarili ng mga yunit ng BHB sa gawaing masa sa lugar, ang boluntaryong kontribusyong buwis ng mga magsasaka at iba pang masang anakpawis ay maliit para sa kabuuang pangangailangan ng rebolusyonaryong kilusan. Sa katunayan, kung susumahin mas malaki pa ang iba pang boluntaryong kontribusyon nila sa anyo ng pagkain sa hapag-kainan, pabaong pagkain, damit, sabon, baterya, flashlight, pera, ilang gamit militar tulad ng mga kagamitang pangkampo, bota, teleskopyo, bala, at paminsan-minsan pati baril. Ang lahat ng mga ito ay malayong higit pa sa binibigay nila sa anyo ng mga boluntayong kontribusyong buwis. Ipinakikita lamang nito kung gaano minamahal at pinangangalagaan ng masa ang sarili nilang rebolusyonaryong gubyerno at hukbo.TOP

5. Pakilarawan ang proseso ng rebolusyonaryong pagbubuwis sa mga kaaway sa uri?

Ganito 'yun. Bawat signipikanteng empresa sa loob o sa paligid ng isang rebolusyonaryong erya ay tinataya para sa naaangkop na rebolusyonaryong pagbubuwis. Gumagawa ng mga pagsisiyasat, pananaliksik, at pag-aaral sa operasyon at pinansya ng mga empresa mula sa mga datos sa field at mula sa sariling mga rekord pampinansya ng empresa at iba pang rekurso. Kabilang sa mga pinag-aaralan ang mga sumusunod: ang istruktura ng pag-aari ng empresa; ang pulitika at relasyon ng empresa at mga may-ari at susing upisyal nito sa rebolusyonaryong kilusan at sa mga imperyalista, militar at iba pang reaksyunaryong pwersa; ang mga sosyo-ekonomikong epekto ng ekonomya sa lugar at sa pambansanag ekonomya; ang relasyon ng empresa sa mga tauhan nito, sa mamamayan sa lugar at iba pang mga kaugnayan nito; ang epekto nito sa kapaligiran; ang etikong pangnegosyo, mga patakaran at praktikang panlipunan nito; mga kasalukuyan at nakaprodyek na aset, kita at ganansya nito---kabilang na ang mga nakatago.

Minsang ang isang empresa ay tinukoy na nararapat na patawan ng rebolusyonaryong pagbubuwis at tinaya para sa halaga ng babayarang buwis, ang lider ng tax implementation unit (TIU) ng BHB na may saklaw sa lugar ay magpapadala ng sulat o mensahe sa mga may-ari o manedyer ng empresa para humingi ng isang pag-uusap sa mga bagay ukol sa pagbubuwis. Bilang patakaran, ang mga pag-uusap sa pagitan ng TIU at mga kinatawan ng empresa ay ginagawa lamang sa mga konsolidadong sonang gerilya at nang may sapat na mga hakbanging panseguridad.

Sa mga pag-uusap na ito, ipinaliliwanag ng TIU ang katangian at mga layunin ng rebolusyonaryong kilusan, ang katangian at mga layunin ng rebolusyonaryong gubyernong bayan, ang katangian at mga layunin ng rebolusyonaryong pagbubuwis laluna kaugnay ng mga benepisyo nito sa mamamayan, at kung bakit ang empresa ay kailangang magbayad ng rebolusyonaryong buwis. Pinagtitiyagaang ipaliwanag ng TIU na anumang tinatanggap nitong buwis ay hindi pupunta sa bulsa ng mga rebolusyonaryong lider bagkus ay gagamitin para pondohan ang mga esensyal na operasyon ng rebolusyonaryong kilusan at gubyerno at para itaguyod ang mga rebolusyonaryong programang panlipunan at sistema sa paghahatid ng mga serbisyong panlipunan sa saklaw ng operasyon ng rebolusyonaryong kilusan at gubyerno.

Makaraang magkasundo sa pangangailangan ng
Karaniwang tumatawad ang mga kinatawan ng empresa dulot umano ng pagsama ng klima para sa negosyo, maliit na kita o kagipitan sa pinansya at sa gayon makikipagtawaran sila para mababaan ang buwis. Pero, handa naman ang tax implementation unit (TIU) sa mga datos mula sa mga pagsisiyasat at pananaliksik nito, inihaharap nito ang mga kontra-datos na nagpapakitang malaki rin naman ang ganansya ng empresa at ipinaliliwanag nito ang mga batayan sa pagtataya.
pagbubuwis sa empresa at sa magandang pupuntahan ng ibabayad na buwis, mas magdedetalye na ang negosasyon sa halaga ng buwis na dapat bayaran ng empresa. Kadalasang dito nagiging pinakamahirap at pinakamatagal ang negosasyon. Kadalasang mangangailangan ng ilang pag-usap tungkol sa mga bagay na ito bago magkasundo. Karaniwang tumatawad ang mga kinatawan ng empresa dulot umano ng pagsama ng klima para sa negosyo, maliit na kita o kagipitan sa pinansya at sa gayon makikipagtawaran sila para mababaan ang buwis. Pero, handa naman ang TIU sa mga datos mula sa mga pagsisiyasat at pananaliksik nito, inihaharap nito ang mga kontra-datos na nagpapakitang malaki rin naman ang ganansya ng empresa at ipinaliliwanag nito ang mga batayan sa pagtataya (0.25% ng kabuuang kita mula sa operasyon ng empresa). Sinisugurado ng rebolusyonaryong kilusan na ang buwis na iyan ay hindi makapipinsala sa pagnenegosyo. Napakaliit na bahagi lang ito ng kabuuang kita ng empresa-0.25% ng kabuuang kita ng empresa. Kaya nga karamihan sa mga pinapatawan ay pumapayag na ring magbayad ng rebolusyonaryong buwis. Kapag nagkasundo, ang susunod na usapan ay kung paano ang sistema ng bayaran.

Ganito sa karaniwan kung saan ang empresa ay seryosong nakikipag-usap sa rebolusyonaryong kilusan para makipag-ayusan ukol sa rebolusyonaryong pagbubuwis. Pero, may mga kaso rin kung saan ang empresa ay sadyang mahirap kausap---at kadalasang may kaakibat itong pakikipag-sabwatan nila sa mga sandatahang pwersa ng gubyerno laban sa rebolusyonaryong kilusan. Kadalasan ang mga may-ari at manedyer ng ganitong mga suwail na empresa ay mga sagadsaring reaksyunaryo rin na mapang-abuso sa mga manggagawa at mamamayan sa komunidad at may di-makatao at antisosyal na mga patakaran at praktika sa pagnenegosyo. Ang mga ito ang pinapatawan ng parusang magdudulot sa kanila ng higit na malaki pang pinasala kaysa sa rebolusyonaryong buwis na iniiwasan nila. Karaniwang epektibo ang BHB sa paggawa ng angkop na mga hakbangin sa ganitong mga kaso.

Gayunman, kahit ang isang empresa ay pinarurusahan para sa simpleng di pagbabayad ng rebolusyonaryong buwis, tinitiyak ng BHB na ang mga aset at negosyo lang ng empresa ang napipinsalaan at na ang mga may-ari o manedyer, kahit gaano kabagsik, ay hindi sinasaktan, liban na lang kung mapatunayang personal silang nagkautang-na-dugo sa rebolusyonaryong kilusan at mamamayan at/o imbwelto sila sa pakikipag-sabwatan sa mga pwersa ng gubyerno laban sa mga rebolusyonaryong pwersa.

Kaya, ganyan kadalasan. May negosasyon. Ang mga usapin ay dinadala sa hapag ng negosasyon. Walang personal na pananakot o pagbabantang ginagawa ang TIU. Wala ring pagpapadala ng bala, itim na ribbon o itim na damit. Lahat ng aspeto ng negosasyon sa pagbubuwis ay pormal at malumanay na isinasagawa. Sinisikap ng TIU na kunin ang respeto ng kabilang panig kahit pa walang napagkasunduan sa pagitan nila at tiyak na hindi mapapalampas ang empresa nila sa pag-iwas sa buwis.TOP

6. Ano ang patakaran hinggil sa mga homosexual sa kilusan?

Napagtibay sa 10th plenum ng Komite Sentral ng Partido ang pagkilala sa karapatan ng mga kasama na pumili ng kasarian. Ang katwiran ng Partido, tayo ay nakikibaka para sa pagpapalaya ng tao, pati na pagpapalaya mula sa pang-aaping pangkasarian. Katulad ng kababaihan, ang mga homosexual ay dumaranas ng pang-aapi at diskriminasyon sa lipunan. Tinutunggali natin para mapawi
Marami na ring mga kasama sa Partido na bakla, lesbiana at sila'y kinikilala, nirerespeto at hinahangaan sa kanilang husay at katatagan sa ideolohiya, pulitika at organisasyon nang walang kabawasan.
ang lahat ng klase ng pang-aapi at diskriminasyon sa lipunan. Kung ang isang tao ay nakahandang lumahok sa pakikibaka, at pagdating lamang doon sa kasarian ay mayroon siyang pinipili, bakit mo ipagkakait sa kanya ang karapatang lumahok sa rebolusyon at maging kasapi ng Partido?

Maraming nabulaga sa resolusyong ito. Talagang pangitang merong madaling makaintindi---may mga nagsabing "Tayo'y nahuhuli. Sa ibang partido nga'y tanggap na iyan." At may mga kasama namang tumaas ang kilay.

Pero, sa patakaran ng 10th plenum hinggil diyan, mapagpasyang nilutas na ang usapin. Inilagay na iyan bilang isang seksyon sa Mga Gabay at Tuntunin sa Pag-aasawa sa Loob ng Partido. Palagay ko sa ngayo'y naiinternalisa na ito ng mayorya. Sa panig ko, naintindihan ko kaagad at naniniwala ako sa kalayaan ng mga kasamang pumili ng kasarian at makipagrelasyon maging sa kaparehong kasarian. Kinakailangan lamang nilang pumailalim din sa patakaran ng Partido sa pag-aasawa.

Marami na ring mga kasama sa Partido na bakla, lesbiana at sila'y kinikilala, nirerespeto at hinahangaan sa kanilang husay at katatagan sa ideolohiya, pulitika at organisasyon nang walang kabawasan. Binigigyan sila ng mga karapatang kapantay ng iba. Meron na ring ikinasal na parehong lalake, at meron na ring parehong babae. Ewan ko ngayon kung nararamdaman pa sa loob ng Partido yung diskriminasyon na nagmumula sa impluwensya ng lipunan. Ang isang nakikita ko lang na suliranin na kailangang ayusin pa ay ang pagwawaksi ng nananatiling mga bahid ng diskriminasyon sa kanila ng masa sa kanayunan... at maaaring ng ilan pa ring kasamang galing sa uring magsasaka, bunga ng nananatiling impluwensya ng kulturang pyudal.

Kinakailangang pagtiyagaan matulungan ang mga may diskriminasyon pa upang silang makaintindi, dahil talagang matagal mabago ang kultura sa kanayunan. Kasabay ng pagbaka sa mga pagsasamantala, pang-aapi at iba pang impluwensyang pyudal, gumagawa rin naman ang Partido ng mga ekstrang pagsisikap at pamamaraan para mapatagos at mapabilis ang pagwawaksi sa pang-aapi at diskriminasyong pangkasarian.TOP

<<< SINUNDAN|KASUNOD >>>


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.