Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Statements Releases Archives Primers Interviews
    PilipinoEnglish

PRESS RELEASE
Information Bureau
Communist Party of the Philippines

Senaryong "September terrorist attacks" tinuligsa ng PKP

1 Setyembre 2005

Tinuligsa ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ngayong araw ang senaryong "September terrorist attacks" na ipinangangalandakan ng National Security Adviser (NSA) na si Norberto Gonzales bilang bahagi ng iskrip ng Malakanyang upang bigyang-matwid ang pagpigil sa mga protestang masa at hadlangan ang posibilidad ng isang pag-aalsang anti Arroyo kasunod ng pagpatay sa prosesong impeachment na ginawa ng Committee on Justice ng mababang kapulungan ng Konggreso noong nakaraang Agosto 31.

Ito ang pahayag ng tagapagsalita ng PKP na si Gregorio "Ka Roger" Rosal bilang reaksyon sa tinuran ni NSA Norberto Gonzales na ang mga teroristang grupo sa Pilipinas ay nagpaplano ng isang malaking atake ngayong Setyembre sa umano'y tulong ng mga dayuhang terorista. Sinabi ito ni Gonzales kagyat pagkatapos ng naiulat na pambobomba sa isang ferry sa Basilan.

Kaalinsabay ng kanyang pahayag, iginiit ni Gonzales sa konggreso na madaliin ang pagsasabatas ng panukalang batas laban sa terorismo na matagal ng nakasalang sa konggreso.

Ang panukalang batas ay sinalubong ng malawak at malakas na protesta mula sa mga tagapagtaguyod ng karapatang-tao, mga demokratikong organisasyon, grupong relihiyoso at iba't ibang sektor.

Tinukoy ni Rosal na ang pambobombang naganap isang araw pagkatapos ng mga "pagbababala" mula sa mga upisyales sa depensa ay napaliligiran ng mga kahina-hinalang mga sirkumstansya na lalung naglalantad na ito ay isang palabas kaysa isang tunay na teroristang atake.

Ipinunto ni Rosal na maraming mga insidente ng teroristang atake sa nakaraan ay palaging kasunod ng mga "babala" ng Malakanyang at mga upisyal militar na walang salang nagbabanggit ng nilutong mga intelligence sources.

Sinabi ng tagapagsalita ng PKP na ang mga "teroristang atake ng Setyembre ni Gonzales ay pinaghandaan ng Malakayang bilang isang panapos sa pagpapatimbuwang nito sa impeachment." Ipinunto ni Rosal na noong kalaghatian pa lamang ng Agosto, ginamit na ni Arroyo pagtaas ng presyo ng langis bilang dahilan upang humingi ng "emergency powers" at magbigay ng mga instruksyon kay Gonzales na maghanda laban sa mga "teroristang atake" na ipinagpapalagay na senaryong mula sa pinakamababang-banta tungo sa pinakamataas.

"Balisang-balisa ang Malakanyang sa pagnanais nitong linisin ang mga lansangan sa lahat ng paraan laluna ngayong Setyembre upang magkunwari sa daigdig na pangkalahatang mapayapa sa bansa laluna kapag nagtungo si Arroyo sa UN upang mangulo sa isang summit ng UN Security Council sa 12 Setyembre," sabi ni Rosal. Manunungkulan bilang pangulo ang Pilipinas sa halinhinang pamumuno dito bilang isang di permanenteng miyembro ng konseho sa buwan ng Setyembre.

Sinabi ni Rosal na inaasahan ng Malakanyang na ang ginawa nitong pagpatay sa prosesong impeachment ng konggreso ay sasalubungin ng kaguluhan, malawakang mga protesta at mula isa tribuna ng parliyamento ay tutungo sa parlamento ng lansangan. "Sa gayon, si Arroyo at ang kanyang sirkulo ng mga militaristang mga upisyal ay naglabas nitong senaryo ng 'September terrorist attack' upang bigyang katwiran ang paggamit ng mga kapangyarihang pangbatas-militar upang sugpuin ang mga protestang inaasahang sasambulat bunga ng pagpatay sa ammended impeachment complaint."

Nanawagan si Rosal sa sambayanan na matinding tuligsain at labanan ang mga pasistang plano ng Malakanyang, kabilang na ang senaryong Setyembre ni Gonzales. "Papagbayarin ng PKP-BHB, kasama ng sambayanan, ang rehimeng Arroyo sa anuman at lahat ng akto ng terorismo at panunupil na ginagawa ng Malakanyang upang patayin ang lahat ng protesta at ang kalayaan ng mamamayan matapos ang ginawa nitong pagpatay sa prosesong impeachment," dagdag ni Rosal.



Reference:
Anne Buenaventura
Media Officer
Cellphone Number: +63910-240-3553



Back to top

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.