Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Statements Releases Archives Primers Interviews
    PilipinoEnglish

PRESS RELEASE
Information Bureau
Communist Party of the Philippines

Wala nang iba pang mapagpipilian ang sambayanang Pilipino kundi ang tuwirang alisin si Arroyo sa Malakanyang-PKP

1 Setyembre 2005

Inilarawan ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) pasagasang pagpatay sa prosesong impeachment kagabi sa Committee on Justice ng Mababang Kapulungan bilang isang "pyrrhic victory" o isang tagumpay na may napakalaking kapalit na tiyak na pagbabayaran nang malaki ng rehimeng Arroyo. Kaalinsabay nito, nanawagan ang PKP sa sambayanang Pilipino na ubos-kayang gamitin ang kanilang demokratikong inisyatiba upang tuwirang patalsikin si Gloria Arroyo sa Malakanyang.

Sinabi ng tagapagsalita ng PKP na si Gregorio Ka Roger Rosal "na sa pamamagitan ng mga loyalista nito sa tinaguring Committee on Justice, ang reklamong impeachment ay pinatay ng rehimeng Arroyo nang walang habas at walang kaabug-abog", na ang malapad na seksiyon ng sambayanang Pilipino na nagnanais makasaksi ng tunay na proseso ng impeachment at sa pagpapatalsik kay Arroyo sa pamamagitan ng ganyang proseso ngayon ay bumabaling ngayon sa mga paraang ekstra-konstitusyonal bilang natatanging opsyon.

Sinabi ni Rosal na ang pagkitil sa prosesong impeachment ay lalupang nagpagalit sa sambayanang Pilipino na malaon nang ipininagsisigawan ang pagwawakas sa rehimeng Arroyo. Para sa sambayanang Pilipino, ang pagpapawalang-saysay sa prosesong impeachment ay isa pang maniobra ng rehimeng Arroyo upang itago ang katotohanan at umiwas sa hustisya sa kabila ng napakagrabe nitong pagkakasala ng pandaraya sa eleksyon, kurapsyon at mga paglabag sa karapatang pantao.

Ipinunto ni Rosal na ang malaking mayorya ng sambayanang Pilipino ay kumbinsido sa napakaraming ebidensya ng malawakang pandaraya ni Arroyo sa nakaraang eleksyon. Iyon ang dahilan kung bakit doble ang galit nila sa kanyang kapalaluan at pagpupumilit na kumapit sa Malakanyang, lapastanganin ang lahat ng ligal na mga proseso at yurakan ang hustisya.

"Dahil alam-na-alam ng rehimeng Arroyo na ang pagpapabagsak sa reklamong impeachment ay magbubunsod ng malawakang demonstrasyon sa mga lansangan, naghahanda na rin ito ng mga eksena para sa ala-batas militar na panunupil, at isinasangkalan ang sunud-sunod na pagtataas ng presyo ng langis at mga palabas na teroristang hakbang," dagdag ni Rosal.

Kinukundena ng PKP ang mga panukala ng mga upisyales ng Malakanyang na suspendihin ang writ of habeas corpus kasabay ng pagbibigay kay Arroyo ng mga mala-diktadurang emergency powers. Ani Rosal, "ang sambayanang Pilipino at ang rebolusyonaryong mga pwersa nito ay malakas na lalaban sa anumang hakbang na itayo ang diktadurang Arroyo."

Sa kabila ng pagmamatigas at pagmamalaki ni Arroyo at pagtangging bumaba sa poder, inuulit ng PKP ang direktiba nito sa lahat ng yunit ng BHB na patindihin pa ang mga armadong opensiba laban sa mga target militar sa kanayunan, ani Rosal.

Ang mga taktikal na mga opensibang ito ay magkakaroon ng tatluhang layunin, dagdag ni Rosal: idiin ang malawakang disgusto ng sambayananan sa rehimeng Arroyo, lalupang pahinain ang rehimeng Arroyo na ngayon ay labis-labis nang umaasa sa suportang militar at itulad ang ang digmang bayan sa mas mataas na antas.



Reference:
< Anne Buenaventura
Media Officer
Cellphone Number: +63910-240-3553



Back to top

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.