|
PRESS RELEASE Information Bureau Communist Party of the Philippines
Malupit ang pagtataguyod ng SC sa EVAT-PKP
Setyembre 1, 2005
Inilabas ni Gregorio "Ka Roger" Rosal, tagapagsalita ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang sumusunod na pahayag bilang reaksyon sa desisyon ng Korte Suprema na nagtataguyod sa constitutionality ng batas E-VAT:
Napakalupit ng desisyon ng Korte Suprema na pagtibayin ang batas sa EVAT ng rehimeng Arroyo. Katambal nito ang sukdulang pagbabalewala ng Malakanyang sa kagalingan ng mamamayang malaon nang dumaranas ng matinding paghihikahos.
Tiyak na sisirit ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo bunga ng desisyon ng Korte Suprema at lalala ang paghihirap ng mamamayan.
Sa pagpapataw ng EVAT sa mamamayang Pilipino kagyat pagkatapos garapalang ibasura ng House Justice Committee ang proseso ng impeachment, lalo lamang ginatungan ng rehimeng Arroyo ang galit ng mamamayan.
Lalong may katwiran ang mamamayang Pilipino na maglunsad ng militanteng pakikibaka upang wakasan na ang bulok at mapang-aping rehimeng Arroyo.
Reference:
Anne Buenaventura Media Officer Cellphone Number: +63910-240-3553
Back to top
|
|
|
|