Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Statements Releases Archives Primers Interviews

PRESS RELEASE
Information Bureau
Communist Party of the Philippines

Mga aksyong militar sa BHB-North Cotabato sa buwan ng Septyembre

Sept. 23, 2005

Isang ambus ang inilunsad ng Ernesto Roa �Boyboy� Command laban sa mga security guards ng OIDA Farms na pagmamay-ari ni Pablo Lobregat noong nakaraang Sept 20, 2005 sa mga alas-3:34 ng hapon. Ang OIDA Farms ay isang malalaking asyenda ng tubo (sugar cane) sa barangay San Jose, Quezon, Bukidnon. Ang lupang nasasakupan ng asyenda ay inagaw ni Pablo Lobregat sa pamamagitan ng panlilinlang at tusong pamamaraan laban sa mga katutubong Matigsalog at Talaandig. Kaya nagsagawa ng petisyon ang mga katutubo na maibalik sa kanila ang lupang pagmamay-ari nila. Ngunit hanggang ngayon walang nangyayari sa kanilang petisyon. Kaya bumaling sila sa BHB sa ilalim ng Ernesto Roa Command upang mabigyang kalutasan ang matagal na nilang problema.

Kaya isinagawa ng isang platong yunit ng BHB ang pagpaparusa sa OIDA Farms sa pamamagitan ng pag-ambus sa nakasakay sa KIA na mga security guards. Tumagal lang sa 5 minutos ang bakbakan. Napatay on the spot ang 4 na security guards at nasamsam ng BHB ang isang M16 at 4 na shotgun. Dahil dito maraming nagalak sa mga lumad partikular sa mga nabibiktima ng OIDA Farms.

Sa ganito ring petsa isang masa sa Mahayahay, San Luis Agusan del Sur ang nagtakbo ng isang M14 na pagmamay-ari ng Cafgu. Nangyari ang ganito sa mga alas-2:00 ng hapon samantalang nagpapanday ang nasabing Cafgu sa kanyang bahay at inilagay niya sa tabi ang kanyang M14. Nang hindi nakapansin ang Cafgu biglang itinakbo ito ng masa patungo sa mga kasama. Sobrang galit ng Cafgu sa kanyang kakompiyansahan.

Sa Septembre 22 hinaras rin ng BHB sa Gingoog sa Eking Balacuit Command ang isang platong tropa sa 8th IB doon sa Bangbang, Medina sa mga alas 9:00 gabi. Batay sa mga nakakitang masa meron daw napatay at sugatan sa kaaway. Sa ganito ring petsa at oras hinaras din ng BHB ang detatsment sa Samay, Balingasag, Misamis Oriental. Tatlong bala ng M203 ang kanilang pinasabog. Nabulabog ang nakahimlay na mga sundalo.

Una pa rito noong Sept 1, inisnayp rin ng isang tim ng BHB ang San Pedro detatsment sa San Luis, Agusan Del Sur. Isang cafgu ang malubhang nasugatan.



KA CESAR RENERIO
Spokesperson
NDF-North Central Mindanao



Back to top

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.