|
PRESS RELEASE Information Bureau Communist Party of the Philippines
1 M60 nasamsam, 6 na tropa napatay sa mga opensiba ng BHB sa Isabela
Setyembre 26, 2005
Anim na sundalo ang napatay at di mabilang ang nasugatan sa dalawang pananalakay ng Bagong Hukbong Bayan sa mga nag-ooperasyong tropa ng gubyerno noong isang linggo sa Echague, Isabela.
Sa isang pahayag sa midya, sinabi ni Ka Delio Baladon, tagapagsalita ng Benito Tesorio Command (BHB-Southern Isabela) na limang sundalo ang napatay at di mabilang ang sugatan nang salakayin ng mga gerilya ng BHB ang isang platun ng mga sundalong nagpapahinga noong Sabado sa Barangay San Carlos. Kabilang sa napatay ay si 1Lt. Jerry Fernandez at isang PFC Alejandro. Nakasamsam din ang mga Pulang mandirigma ng isang M60 masinggan at isang ripleng M14.
Isa pang sundalo, si Cpl. Norly Osio ang napatay sa mas naunang pananalakay ng BHB noong Huwebes sa Barangay Madadamian. Si Osio ay bahagi ng dalawang platun ng 54th IB na nag-ooperasyon sa lugar. Ayon kay Baladon, nakasamsam ang BHB ng isang ripleng M16 mula sa atakeng ito at nakaatras nang walang kahit isang kaswalti.
Ang dalawang taktikal na opensibang ito, ani Baladon, ay inilunsad bilang tugon sa panawagan ng sentral na pamunuan ng Partido Komunista na sagpangin ang inisyatiba at paigtingin ang mga taktikal na opensiba sa gitna ng tumitinding krisis ng rehimeng US-Arroyo.
Aniya, bahagi rin ito ng kontra-opensiba ng BHB laban sa patuloy at tumitinding mga operasyon ng AFP na bumibiktima sa mga sibilyan sa Southern Isabela.
Reference:
Anne Buenaventura Media Officer Cellphone Number: +63910-240-3553
Back to top
|
|
|
|