Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Statements Releases Archives Primers Interviews
    PilipinoEnglish

PRESS RELEASE
Information Bureau
Communist Party of the Philippines

PKP nagprotesta sa "bounty system"

15 Oktubre 2005

Prinotesta ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ngayong araw ang muling pagbuhay ng rehimeng Arroyo sa "bounty system" o pag-aalok nito ng "pabuya" para sa pagdakip sa mga lider ng PKP, Bagong Hukbong Bayan (BHB) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa pagsasabing inilalantad nito ang lubusang kawalang interes ng rehimen sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan.

Sinabi ni Gregorio "Ka Roger" Rosal na ang "bounty systm ay lalung magpapahirap sa pagpapatuloy ng pormal na usapang pangkapayapaan."

Iniutos ng mga opisyal ng palasyo ang pagdakip sa mga lider ng PKP, BHB at NDFP pagkatapos muling unilateral na sinuspindi ng Malakanyang ang Joint Agreement on Security and Immunity Guarantees (JASIG) na kapwa nilagdaan ng gubyerno ng Pilipinas ng NDFP. Sinabi ni Rosal na, katulad sa nakaraan ang pondong para sa sistemang pabuya ay mapupunta lamang sa bulsa ng mga matataas na opisyal militar.

Tinuligsa ng PKP at ng NDFP ang pagsuspindi sa JASIG bilang isang walang bisang hakbangin ng rehimen.

Sinuspindi ng Malakanyang ang JASIG pagkatapos pabulaanan ng NDFP ang sinasabi ng GRP negotiating panel na noong impormal na pag-uusap noong Agosto 2005 ang dalawang panig ay nagkasundo upang muling ituloy ang pormal na pag-uusap sa Oktubre kasabay ng isang mahaba at pinagkaisahang tigil-putukan. Hindi pinabulaanan ng Malakanyang ang pagwawastong ginawa ng NDF at sa halip ay sinuspindi ang JASIG sa dahilang muli raw umurong ang NDF sa usapang pangkapayapaan.

Sinabi ni Rosal na, kasabay ng paghahayag ng sistemang "pabuya," nangangarap ang rehimeng Arroyo na ang mga lider ng PKP, BHB at NDFP at ang mga konsultant sa pistoks ay manginginig sa takot at yumukod sa kundisyon ng Malakanyang sa pagpapatuloy ng pormal na usapang pangkapayapaan nang hindi muna unang nireresolba ang mga prejudicial questions, pagpapatupad sa mga nauna nang kasunduan at pagtutuwid sa mga pambabaluktot ng sa mga pahayag ng GRP.

Inulit ni Rosal na ang PKP, BHB at NDFP ay hindi makapapayag sa mga kundisyon para sa usapang pangkapayapaan na katumbas ng pagsuko sa gubyerno. Inilahad niya na ang PKP, BHB at NDFP ay tunay na interesado sa pag-upo nang pormal kaharap ang gubyerno at hangga't ang kabilang panig ay tunay ding interesado at gumagawa ng mga hakbang sang-ayon sa mga kasunduan at hindi iyong palaging iisinasa-isantabi ang mga naunang kasunduan at binabaluktot ang katotohanan.



Back to top

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.