Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Statements Releases Archives Primers Interviews
    PilipinoEnglish

PRESS RELEASE
Information Bureau
Communist Party of the Philippines

Ang mararahas na mga pagbuwag sa mga demonstrasyon ay paglabag sa CARHRIHL - PKP

15 Oktubre 2005

Kinundena ngayong araw ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang marahas na pagbubuwag sa prayer rally na anti-Arroyo kagabi malapit sa tulay ng Mendiola sa Maynila. Iginiit ng PKP na ang patakaran sa pagbabawal at pagbubuwag sa mga demonstrasyong malapit sa palasyo ng Malakanyang ay tuwirang paglabag sa lahat na umiiral na pamantayan, batas at iba pang garantiya ng paggalang sa karapatang-tao, kabilang na ang isang tampok na kasunduan sa karapatang-tao sa pagitan ng gubyerno ng Pilipinas at ng National Democratic Front of the Philippines.

Sinabi ng tagapagsalita ng PKP na si Gregorio "Ka Roger" Rosal na ang pagbubuwag sa mapayapang mga rali at ang pag-aresto sa mga demonstrador sa partikular ay lumalabag sa mga probisyon ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHIHL) na pinagkasunduan ng gubyerno ng Pilipinas at National Democratic Front (NDF) noong 1998.

"Ang patakaran ni Arroyo ng pagbabawal at pagbubuwag sa mga demonstrasyon sa Mendiola ay malinaw na lumalabag sa CARHIRL, salungat sa mga pahayag ng Malakanyang na patuloy nitong itataguyod ang kasunduan." Ani Rosal.

Ginamit ding pagkakataon ng tagapagsalita ng PKP na mahigpit na tuligsain ang pambobomba ng tubig, pamamalo sa pamamagitan ng mga metal na kalasag at iba pang mararahas na hakbang laban sa mapayapa at maayos na mga demonstrador, kabilang na si dating pangalawang pangulong Teofisto Guingona, dating kalihim at gobernador Oscar Orbos at iba pang mga prominenteng mga personalidad na simpleng nagsisikap lang tumawid sa isang bahagi ng Mendiola upang tumuloy mula sa simbahan ng San Sebastian tungo sa kapilya ng San Beda kagabi.

"Sa pagsuspindi sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG), at sa pagpapatupad ng tinatawag na patakarang "calibrated preemptive response", laban sa mga raliyista, at gayundin sa patuloy na mga iligal na mga pang-aaresto, mga pagkawala at binalak na mga pamamaslang sa mga aktibista sa kanayunan, ipinakita ni Arroyo ang matinding kawalang pagpapahalaga sa karapatang-tao gayundin sa lubusang kawalang interes sa pagpupursige sa usapang pangkapayapaan sa NDFP." Dagdag ni Rosal

"Kung kahit mga batayang karapatang sibil at pulitikal ay di kayang galangin ng gubyerno ni Arroyo, paano pa maasahan ng sambayanang Pilipino na itataguyod niya ang buong tungkos ng mga karapatang sosyal, ekonomikal at kultural," tanong ni Rosal.

Sinabi ni Rosal na ang marahas na pagbubuwag sa mapayapang mga demonstrasyon ay pagpapakita "ng mala-diktador na pagbabawal ni Gloria sa anumang pagtutol habang desperado siyang nangungunyapit sa kapangyarihan."



Reference:
Anne Buenaventura
Media Officer
Cellphone Number: +63910-240-3553



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.