Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Statements Releases Archives Primers Interviews
    PilipinoEnglish

PRESS RELEASE
Information Bureau
Communist Party of the Philippines

Balak na ganap na pagsupil sa midya at kilusang protesta, kinundena ng PKP

16 Oktubre 2005

Sa araw na ito, nakikisama ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa mga taong-midya na mapagmahal sa kalayaan at iba pang demokratikong sektor ng mamamayan sa pagkundena sa naiulat na balaking arestuhin ang mga editor, mga reporter, mga maslider at iba pang personalidad sa oposisyon na kritikal sa rehimen sa sandaling magdeklara si Arroyo ng "emergency rule" o batas militar.

Ang naiulat na balakin ay inilantad ngayong araw ng diyaryong Daily Tribune base sa impormasyon mula sa loob ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagsasabing ang Malakanyang ay may tuwirang utos sa kawanihan upang arestuhin ang mga kritikal na mamamahayag at ganap na supilin ang midya bilang bahagi ng pagsakop ng rehimen sa pinakamahahalagang industriya sa panahon ng "emerhensyang paghahari." Ang paglalantad na ito ay sumunod sa naunang nadiskubreng burador ng deklarasyon "emergency rule," na inihanda ni Justice Secretary Raul Gonzales.

Ang impormasyon ay naiulat na may inisyal na listahan ng apat na editor at pitong reporter mula sa mula sa 3 mayor na mga pahayagan at limang iba pang publikasyon at di tiyak na bilang ng mga komentarista. Ang mga mamamahayag at mga brodkaster ay nauna nang isinailalim sa matinding surbeylans kahanay ng mga lider ng kilusang protesta at pampulitikang oposisyon at ng mga anti-Arroyo na mga upisyal militar-na napaulat na pawang nakatakdang pag-aarestuhin sa ilalim ng "ng paghaharing pang-emerhenysa."

Ang Partido Komunista ng Pilipinas, sa pamamagitan ng tagapagsalita nito na si Gregorio "Ka Roger" Rosal, ay ilang ulit nang naglabas ng pagkundena laban sa mga kalkuladong hakbang ng rehimeng Arroyo bilang pambungad sa tuluyang imposisyon ng lantarang pasistang paghahari sa ilalim ng tinatawag na "emergency rule." Ang paghihigpit ni Arroyo sa anumang anyo ng pagtutol at ang kanyang labis na pangungunyapit sa poder ay nagtulak sa kanya na magpataw ng papatinding mga pasistang mga hakbang tungo sa isa o iba pang anyo ng batas militar," ani Rosal.

Aniya, galit si Arroyo na ang mga pahayagan at mga organisasayon ng midya sa kalahatan ay nagsilbing daluyan ng paglalantad ng korupsyon at kabulukan ng kanyang rehimen.

Mahigpit na hinikayat ni Ka Roger ang mga taga midya at lahat ng Pilipinong mapagmahal sa kalayaan na maging mapagmatyag na naninindigan at labanan ang lahat ng pagtatangka na busalan ang katotohanan at kalayaan, at sumama sa hanay ng masa ng sambayanang Pilipino na lumalaban sa lahat ng anyo ng pasistang paghahari at naggigiit ng pagpapatalsik kay Gloria Arroyo.



Reference:
Anne Buenaventura
Media Officer
Cellphone Number: +63910-240-3553



Back to top

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.