Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Statements Releases Archives Primers Interviews

PRESS RELEASE
Information Bureau
Communist Party of the Philippines

NDF-Bikol Nakiisa sa mga Magsasaka sa Paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Kawalang-Pagkain

October 21, 2005

Nagpahayag ngayon ng pakikiisa sa pagkilos ng mga magsasaka ang tagapagsalita ng NDF-Bikol sa okasyon ng paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Kawalang-Pagkain (World Foodless Day). Ayon kay Ka Greg Ba�ares, "ang mga magsasaka ang lumilikha ng pagkain sa lipunan, ngunit sila ang walang makain at nagugutom dahil sa kawalan ng sariling lupang mabubungkal at mapang-aping patakaran ng gubyerno."

"Ang malalang taggutom sa Pilipinas ay ibayong pinalubha pa ng mga kontra-mamamayang patakaran ng rehimeng US-Arroyo tulad ng liberalisasyon ng mga produktong agrikultura, deregulasyon ng industriya ng langis, pribatisasyon ng mga kumpanyang pag-aari ng gubyerno, at dagdag na pasaning buwis sa anyo ng Value Added Tax (VAT)", dagdag pa ni Ka Greg.

Sa kabilang banda, pinuna ni Ka Greg ang pagpapakabundat at kasibaan ng mga upisyal ng militar at gubyernong Arroyo sa pamamagitan ng walang-puknat na pangungurakot, pagkolekta ng payola sa jueteng, iligal na droga, ismagling, at iba pang kasamaan.

Ayon pa sa pahayag, hindi malayong maranasan ng mga Pilipino ang nararanasang taggutom ngayon sa Aprika kung hindi kikilos ang mamamayan at patatalsikin ang rehimeng US-Arroyo. 300 milyon o mahigit tatlumpung porsyento ng mga Aprikano ang nagugutom at milyun-milyong mga bata at kababaihan sa Aprika ang may malalang malnutrisyon.

Ihinalimbawa ni Ka Greg ang bansang Niger na lumala ang kagutuman nang pilitin ng International Monetary Fund (IMF) ang papet na pangulo na ipatupad ang Value Added Tax na matinding nakaapekto sa mga produktong pagkain.

Bilang panghuli, nanawagan si Ka Greg na dapat lumahok ang mga magsasaka sa mga pagkilos upang mapatalsik ang kontra-magsasaka at inutil na rehimeng US-Macapagal-Arroyo.

"Pinakamahalaga sa lahat, kailangang lumahok sila sa digmang bayan at itaguyod ang rebolusyonaryong reporma sa lupa sa kanayunan bilang pangmatagalang solusyon sa taggutom at kahirapan ng mga magsasaka at mamamayan."



Reference:
Ka Greg Ba�ares
NDF-Bicol Spokesperson
Email: [email protected]



Back to top

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.