|
PRESS RELEASE Information Bureau Communist Party of the Philippines
NDF-Bikol Kinundena ang Gubyernong Arroyo sa EVAT, Nanawagan ng Mas Matinding mga Kilos-Protesta
October 20, 2005
Mariing kinundena ngayon ng tagapagsalita ng NDF-Bicol ang desisyon ng Korte Suprema na nagpapahintulot sa pagpapatupad ng 10% Expanded Value Added Tax simula Nobyembre 1.
Ayon sa pahayag ni Ka Greg Ba�ares, "sukdulang kontra-mamamayan ang desisyong ito ng rehimeng US-Arroyo na itinaon sa gitna ng napakalubhang krisis sa kabuhayan na narararanasan ng mamamayan."
Idinagdag ni Ka Greg na pawang panloloko ang ginagawa ng rehimeng US-Arroyo sa mamamayan tuwing magpapataw ng bagong batas. Tulad ng Batas sa Deregulasyon ng Langis, dagdag na hagupit sa mamamayang lugmok na sa kahirapan ang panibagong batas sa pagbubuwis.
Diniinan ng tagapagsalita ng NDF-Bikol na malinaw na ipinapakita ng desisyong ito ng rehimeng Arroyo ang pagiging sagad-saring papet sa dikta ng International Monetary Fund-World Bank (IMF-WB) habang sukdulang manhid at wala ni katiting na pagmamalasakit sa mamamayang Pilipino.
Ang IMF-WB ang nasa likod ng pagpapataw ng mga bagong batas sa pagbubuwis bilang kundisyon sa bagong pautang sa gubyerno at bilang paniyak na makakabayad ang rehimeng Macapagal-Arroyo sa pagkakautang nito sa mga dayuhang bangko.
Kasabay nito, nananawagan sa mamamayan ang tagapagsalita ng NDF-Bikol ng mas matinding mga kilos-protesta sa lansangan. Ayon pa kay Ka Greg, "ngayon higit kailangan ang mas malalaking mga kilos-protesta na tutungo sa tuluyang pagpapatalsik sa pasista at pahirap na rehimeng US-Arroyo.
Hangga�t nananatili ito sa poder, lalong patitindihin nito ang pagsasamantala at pang-aapi sa mamamayan at ibayong sasahol pa ang krisis sa kabuhayan na nararanasan ng mga Pilipino", dagdag pa ni Ka Greg.
Reference:
Ka Greg Ba�ares NDF-Bicol Spokesperson Email: [email protected]
Back to top
|
|
|
|