Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Statements Releases Archives Primers Interviews
    PilipinoEnglish

PRESS RELEASE
Information Bureau
Communist Party of the Philippines

Si Arroyo ay bumalik sa kanyang tunay na anti-manggagawang kulay—PKP


8 Nobyembre 2005

Sinabi ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ngayong araw na ito na hindi naman nakapagtataka na si Gloria Macapagal Arroyo ay bumaligtad kahapon sa kanyang pahayag na kabibigay ilang araw lang ang nakararaan na ang pagtataas ng sahod ay dapat isabatas hanggang sa isang makatwirang antas.

Sinabi ng tagapagsalita ng PKP na si Gregorio "Ka Roger" Rosal sa isang pahayag na, "Katugma ng konsistenteng kasaysayan ni Arroyo sa pagsisinungaling, panlilinlang at anti mamggagawang mga palisiya, ang kanyang pagbaligtad sa kanyang panawagan sa konggreso na magsabatas ng isang makatwirang pagtataas ng sahod ay hindi inaasahang magtatagal. Ngunit, idinugtong niya na, "ang katotohanang sa pagkaktaong ito ang kanyang kasinungalingan ay tumagal lamang ng 2 araw, ang nangunguna sa rekord."

Sinabi ni Rosal na ang kahingian ng sektor ng paggawa at ang inaprubahan ng komite sa paggawa ng konggreso na panukalang P125 across-the-board nationwide na pagtataas ng sahod ay sapat at makatwiran na sa kahit nahuhuling pagsisimula. .

Sinabi niya na, kahit na iyon ay talagang hindi sapat, kung ikokonsidera na ang pinakamababang arawang pasahod na P275 ay isinabatas noon pang 1989, at isama pa ang nadagdag noong nakaraang Mayo na P50 lamang na halaga ng living allowance, ay lumagpak na ng napakalayo sa P700 kasalukuyang pangangailangan upang mabuhay nang disente ang isang 6 kataong pamilya sa metromanila."

Sinabi ni Rosal na wala nang kinakailangan pang katibayan para sabihin ng may awtoridad na si Gloria Arroyo ay walang talagang puso para sa mga manggagawa. Siya ay ganap na walang pagmamalasakit sa kapakanan at kagalingan ng mga manggagawa at laging isasakripisyo ang kapakanan ng mga ito upang pagpistahan ng mga imperyalista at kumprador-kapitalistang mga buwitre."

Siya ay sobrang napakasensitibo sa hinaing ng mga malalaking negosyo ukol sa pag-aalala ng mga ito sa anumang pagbaba sa kanilang mga supertubo, ngunit ganap na malayo sa kapakanan ng mamamayan na matinding nagdurusa simula noong siya ay manungkulan," sabi ni Rosal.

Sinabi pa ng tagapagsalita ng PKP na "Naglabas lamang si Arroyo ng mapagkunwaring panawagan para sa pagsasabatas ng dagdag na sahod sapagkat nangangamba siya sa pagdagsa ng galit ng sambayanan na nagmumula sa napakatinding epekto ng E-VAT ni Gloria. Subalit ang higit na mahalaga ay ang kanyang takot sa pagtatakwil ng imperyalista at kumprador-kapitalistang mga uri na siya niyang lubos na pinaglilingkuran."

"Sa lahat ng kanyang anti-manggagawa at antimamamayang mga palisiya at gawa, kailangang harapin na lamang ng rehimen ang ganti ng sambayanang Pilipino sa paglusob sa Malakanyang."



Reference:
Anne Buenaventura
Media Officer
Cellphone Number: +63910-240-3553



Back to top

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.