Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino English
Read media release   

Psywar ng AFP at Malakanyang, paghahanda sa posibleng deklarasyon ng isang state of emergency

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Oktubre 03, 2002

Isang kampanyang saywar ang kasalukuyang isinasagawa ng AFP, PNP at iba�t ibang ahensya ng gubyerno. Direktang ikinukumpas ito ni Defense Secretary Angelo Reyes at mga katoto niyang militarista sa loob ng rehimeng Macapagal-Arroyo.

Bahagi ng kampanyang saywar na ito ang ipinagkakalat na malaking kalokohan ng AFP, PNP, NBI at Malakanyang na may plano diumano ang BHB na magsagawa ng pangingidnap, panghoholdap at pamboboma sa LRT at iba pang pampublikong lugar tulad ng mga shopping mall.

Partikular na layunin ng kampanyang saywar na ito ang:

  1. sindakin at takutin ang mamamayan

  2. ilarawang �terorista� at �kriminal� ang BHB

  3. bigyang-katwiran ang all-out war laban sa rebolusyonaryong kilusan at mamamayan kabilang ang pagbibigay-katwiran sa pagsasakatuparan ng mas mahihigpit na hakbanging kumukontrol sa pagkilos ng mga tao na siyang itinatadha ng panukalang Anti-Terrorism Law

  4. ihanda ang posibleng deklarasyon ng �state of emergency� na maaaring tumungo sa suspensyon ng writ of habeas corpus at pagpataw ng batas militar

Upang gawing kapani-paniwala ang mga gawa-gawang �intelligence report� na ito, naririyan ang posibilidad na isasagawa ng �Dirty Tricks Department� sa ilalim ng ISAFP (Intelligence Service of the AFP) ang pagtatanim o pagpapasabog ng mga bomba sa iba�t ibang bahagi ng Metro Manila na kaagad nilang ibibintang na kagagawan ng BHB.

Nais naming mapanatag ang loob ng mamamayan at pabulaanan na may plano ang BHB na maglunsad ng mga atakeng makapagpapahamak sa mga inosenteng sibilyan. Katulad ng ipinakita ng BHB nitong nakaraan, ang mga inilulunsad nitong taktikal na opensiba ay nakatuon lamang sa mga lehitimong target-militar kabilang ang mga aktibong elemento ng AFP, PNP, CAFGU at iba pang armadong grupong nasa ilalim ng direksyon ng AFP.

Gayundin, pinabubulaanan namin ang mga umano�y planong panghoholdap at kidnap-for-random. Napakalinaw ang mga patakaran at prinsipyo ng Partido na mahigpit na nagbabawal sa ganitong mga kriminal na gawain.

Hinahamon namin ang AFP at PNP na tigilan na ang pagtatago sa likod ng mga gawa-gawa nilang �intelligence report.� Ilabas nila ang sinasabi nilang mga �intelligence report� na ito. Natitiyak kong lalagpak sila sa simpleng paghaharap ng mga kongkretong ebidensya at kapani-paniwalang impormasyon dahil ang lahat ng ito�y kathang-isip lamang nila.

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.