Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
Read media release   

Tungkol sa panukala ni Gen. Ermita na tumigil na lamang ang NPA at AFP/PNP sa kani-kanilang kampo

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Disyembre 13, 2002

Walang katuturan ang mungkahi ni Gen. Eduardo Ermita na kung hindi man magkakaroon ng tigil-putukan ngayong Kapaskuhan, ay tumigil na lamang sa kani-kanyang mga kampo at huwag na munang lumabas kapwa ang NPA at AFP/PNP upang maiwasan ang sagupaan.

Unang-una, batay sa kongkretong karanasan ng rebolusyonaryong kilusan at mamamayan, walang pakundangan ang AFP/PNP sa pag-ooperasyon laban sa rebolusyonaryong kilusan at paninibasib sa mamamayan, kahit pa Pasko, semana santa o anupamang araw. Tinatawag nilang "preventive patrols" ang katunaya'y mga opensibang operasyon. Kabilang sa mga "preventive patrols" ang panghahalughog sa mga bahayan ng masa. Kaya walang kahihinatnan ang mungkahi ni Gen. Ermita dahil siguradong hindi lulubayan ng AFP at PNP ang pananalakay nito ngayong Kapaskuhan kahit ideklara pa nila sa publiko na confined to barracks sila.

Ikalawa, pinalalabas ni Gen. Ermita na ang NPA ay katulad lamang ng AFP at PNP na hiwalay sa mamamayan at naglalagi sa mga kampo at saka lamang lumalabas kapag nag-ooperasyon. Di tulad ng mersenaryong AFP, ang NPA ay isang tunay na hukbong bayan. Ang kanilang rebolusyonaryong pagkilos ay pawang ginagawa kaisa ang mamamayan.

Nabubuhay ang NPA sa pakikipamuhay at pakikipagtulungan sa mamamayan. Mamamayan ang umaaruga at bumubuhay dito. Kailanma'y di maaaring humiwalay ang NPA sa mamamayan laluna ngayong Kapaskuhan na nagbabanta ang mersenaryong AFP at PNP na maglunsad ng teroristang kampanya laban sa kanila.

Kung totoong gustong umiwas ng AFP/PNP sa sagupaan kahit ngayong Kapaskuhan man lamang, huwag itong pumasok sa alinman sa mahigit 100 larangang gerilya ng CPP/NPA/NDF na nakakalat sa buong kapuluan. ###

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.