Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  
PANGKALAHATANG PAGBABALIK-ARAL SA MAHAHALAGANG PANGYAYARI AT PASYA
(1980 Hanggang 1991)


Introduksyon



Read in English
<Prev   1  2  3  4  5  6   Next>
Komite Sentral, Partido Komunista ng Pilipinas
Ipininal ng:
KTKS

Nobyembre 1992

NOONG MGA TAONG 1980, ang Partido at rebolusyonaryong kilusan ay nakapagkamit ng mga pagsulong at tagumpay na wala pang katulad sa nakaraan. Pero ang mga iyon ay hindi nasustini at sa halip, pumihit sa pagkawala ng momentum, sa papalubhang pagkawala ng inisyatiba at sa bandang huli, sa mga pinsalang wala pa ring katulad sa nakaraan.

Ang pagsusuri sa mga ugat at sirkunstansya ng gayong naging kabuuang daloy ng rebolusyon sa nakaraang mahigit isang dekada upang humango ng mga aral at linawin ang landas ng muling pagpapalakas at pagsulong nang tuluy-tuloy at lahatang-panig, ang pangunahing layunin ng anumang komprehensibong paglalagom ng mga karanasan sa panahong ito.

Ang papel na ito ay kronolohiya ng mga pinakamahalagang pangyayari at pasya sa nakaraang mahigit isang dekadang praktika ng Partido. Ginawa ito batay sa pagtalakay ng ika-10 Plenum ng Komite Sentral. Layunin nito na mabigyan ang mga kadre at kasapi ng Partido ng masaklaw na pagsapol sa naging pangkalahatang daloy ng rebolusyonaryong praktika sa nakaraang dekada at pagkaisahin ang pananaw ng buong Partido dito.

Bilang kronolohiya ito ay kadugtong ng pangunahing dokumento ng paglalagom at pagwawasto, "Muling Pagtibayin ang Ating mga Saligang Prinsipyo at Iwasto ang mga Pagkakamali." Ito ay hilaw pang materyal kung ihahambing sa mas mataas na antas ng sintesis at pag-aangat ng praktika sa teorya, na ginawa ng "Muling Pagtibayin...". Gayunman, mayroon na rin ditong ebalwasyon ng mga mahalagang pangyayari at pasya mula sa punto de bista ng mga prinsipyo at ng praktikal na kilusan.

Sa tagal ng panahong hindi nagawa ng Partido ang komprehensibong paglalagom ng mga karanasan at sa tambak ng mga pagkakamali, pagkukulang at kahinaan na hindi pa puspusan at wastong nalalagom, hindi makasasapat ang isang maikling papel ng paglalagom, gayundin ang isang maikling kronolohiya ng mahalagang pangyayari at pasya.

May mga pangyayari at usapin sa nakaraan, na maaaring may matingkad na halaga sa isang pagkakataon, isang linya ng gawain o isang saklaw, ang makikitang hindi natalakay dito. Inaasahang ang mga iyon ay mapapakitunguhan sa mga papel ng paglalagom sa mga partikular na linya ng gawain at saklaw o di kaya, sa bagong edisyon ng pangunahing dokumento ng paglalagom at kronolohiya kung kinakailangan.


Back to top
<Prev   1  2  3  4  5  6   Next>
Back to CPP Documents


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.