Balita

#Balitaan | #DuterteWakasanNa

Ibalik sa tao ang kikitaing P133.9 bilyon mula sa TRAIN Law —Ibon Foundation

Nakatakdang kumita ang estado ngayong taon ng P133.9 bilyon na rebenyu mula sa pahirap at kontra-mahirap na Train Law na nagpataw ng dagdag na mga buwis simula noong 2017. Pinakamalaking bahagi nito ay mula sa buwis na idinagdag ng rehimen sa mga produktong petrolyo (P105.7 bilyon), matamis na inumin (P43.4 bilyon) at VAT (P29.3 bilyon).

Ayon sa Ibon Foundation, ang kita na ito ay piniga mula sa mayorya ng mamamayang Pilipino na hirap na hirap na sa ilalim ng pandemya. Sa gayon, dapat ibalik ito sa kanila sa porma ng ayuda. PInabubulaanan din nito ang kasinungalingan ni Rodrigo Duterte na “walang pera” ang kanyang gubyerno.

Patunay ng pagiging kontra-mahirap ng batas ang mababang rebenyu na nalikom mula sa mga pamilyang may mataas na kita (P250,000 kada taon pataas). Nasa P152 bilyon lamang ang nalikom mula sa personal na income tax ng mga ito, P2.1 bilyon mula sa kanilang mga ari-arian at P2.2 bilyon mula sa “donor’s tax.”

Ayon sa mga pananaliksik ng Ibon, ang 15 milyong pamilya na kumikita ng mas mababa sa P250,000 kada taon pababa ang nagbabayad ng mas maraming buwis kumpara sa mas nakakaalwang mga pamilya.

AB: #Balitaan | #DuterteWakasanNa