Balita

#DutertePalpak: Kalabasa, kamote, singko

Kalabasa ang grado na ibinigay ng iba’t ibang grupo kay Rodrigo Duterte ilang araw bago ang kanyang panlima, at inasahang huling State of the Nation Address o SONA.

“Wala kaming nakitang klarong programa para sa edukasyon,” ayon sa mga grupong Alliance of Concerned Teachers noong Hulyo 23. “Wala siyang anumang masasabing achievement sa edukasyon.” Kasama na binigyan ng mga titser ng bagsak na grado si Sec. Leonor Briones, ang kalihim ng Department of Education.

Pinansin ng ACT ang ulat ng World Bank noong unang linggo ng Hulyo na nagsabing bagsak ang 80% estudyante sa minimum na inaasahang proficiency sa kani-kanilang mga antas. Ibinatay ang ulat sa Program for International Student Assessment noong 2018, Trend in International Mathematics and Science Study at unang serye ng Southeast Asia Primary Learning Metrics noong 2019. Ikinagalit ni Briones ang pagsasapubliko ng ulat, na aniya’y di dumaan sa proseso. Pero ang totoo, hindi niya mapasusubalian ang resulta ng mga pagsusulit. Ang mga ito ay isinagawa bago pa ang pandemya at bago ang “blended learning” ng DepEd na palpak at pahirap sa mga estudyante, magulang at kanilang mga guro.

AB: #DutertePalpak: Kalabasa, kamote, singko