Grado ng huling SONA ni Duterte, mas mabaho pa sa bugok na itlog -- PKP

“Mabaho pa sa itlog ang score niya,” ani Marco Valbuena, chief information officer ng Partido Komunista ng Pilipinas sa inilunsad na Tweetversation sa kanya ng Ang Bayan noong Hulyo 27. Aniya, bigong tugunan ng rehimen sa loob ng limang taon nito sa pwesto ang mga mahahalagang usapin ng mamamayan lalu na ang agrikultura, industriya, trabaho at kabuhayan ng masa, sa usapin ng demokrasya, pagtatanggol ng kalayaan at patrimonya ng bansa.

Pinabulaanan din ni Valbuena ang pahayag ni Duterte hinggil sa trapik, ABS-CBN, sa pagmamalaki nito sa kanyang pagharap sa pandemya at paglalarawan na umano’y tinatalo na niya ang rebolusyonaryong kilusan. Aniya, mukhang bangag na naman ito sa droga nang humarap sa kongreso at tila out of touch sa realidad.

Dambuhalang kasinungalingan din ang pagyayabang ni Duterte na 17,000 na ang nagsurender na NPA.

Kaisa rin ng buong bayan ang Partido sa pagbibigay ng bagsak na grado kay Duterte. Palpak ito sa pagtugon sa pandemya at sa mga pangako sa masa.

AB: Grado ng huling SONA ni Duterte, mas mabaho pa sa bugok na itlog -- PKP