Ilitaw si Raquel Santillano!
Nananawagan ngayong araw ang pamilya at kaibigan ni Raquel Dahoyla Santillano, rebolusyonaryong lider sa North Central Mindanao (NCMR), para tulungan silang igiit sa militar na ilitaw ang kanilang kaanak at bigyan sila at ang kanilang mga abugado ng pagkakataon na makausap siya.
Dinukot si Santillano noong Setyembre 4 ng pinagsamang mga tauhan ng 1st Special Forces Batallion, Military Intelligence Battalion at 51st IB sa Bumbaran, Lanao del Sur. Ayon sa kanyang mga kaibigan, nasa byahe siya para magpatsek-ap sa kanyang spinal injury.
Huli siyang namataan noong Setyembre 7 at 8 sa Valencia City, Bukidnon na gwardyado ng mga sundalo. May ulat noong Setyembre 9 na dinala siya Camp Evangelista, kampo ng 4th ID na nasa Patag, Cagayan de Oro City. Ayon sa mga ulat, wala siyang dalang armas nang dukutin.
Si Santillano ay 40-taong gulang at may limang anak. Kilala siya sa NCMR bilang si Pon, Bok at Jello. Residente siya ng Cabadbaran, Agusan del Sur at dating estudyante ng Caraga State University.
Samantala, nanawagan ang PKP na galangin ng AFP ang mga karapatan ni Santillan habang nasa kustodiya nila ito.