Balita

Lider ng Partido walang personal na kayamanan, Duterte bulok

Mariing kinundena ni Marco Valbuena ang pahayag ni Duterte noong nakaraang SONA na “rotten and corrupt” umano ang ideolohiya at mga lider ng Partido Komunista ng Pilipinas.

Aniya, di tulad ni Duterte, sa CPP, walang limpak-limpak na personal na kayamanan ang mga lider at kasapi. Wala umano itong ginawa kundi waldasin ang pera ng taumbayan, sa pag-uwi-uwi niya sa Davao gamit pa nito ang kanyang jet. Ipinagmayabang pa nito ang relo niyang nagkakahalagang P300,000.

“Samantalang ang mga kadre ng Partido kulang na nga ng tatlong zero, bigay pa.” pahayag ni Valbuena.

Dagdag pa, inamin na rin mismo ni Dutere na likas sa reaksyunaryong gubyerno ang korupsyon.

“Eh di sana, sumama na lang sila (mga lider ng Partido) kay Duterte at sa gubyerno, kung mangurakot at magpayaman lang ang gusto nila.” dagdag ng upisyal ng PKP.

Sa pagpapatuloy ng talakayan, binanggit din ni Valbuena na ang ideolohiya ng CPP ang gabay ng mga kadre at kasapi ng Partido sa pagsasakripisyo ng pansariling interes, pagpapakumbaba sa masa, pagtaguyod sa siyentipikong katotohanan batay sa kongkretong pagsusuri at pagpupunyagi na baguhin ang mundo.

Wala nang mas bubulok pa kay Duterte at sa kanyang pasistang ideolohiya; ang kanyang paglapastangan sa buhay ng inosente at paghikayat sa paggahasa at karahasan sa kababahihan; ang pagkauhaw niya sa dugo at utak nitong “kill,kill,kill”, ang pagpabuya niya sa mga sundalo at pulis na pumatay at kanyang kampanyang mass murder sa nagdaang limang taon na halos 30,000 ang pinatay.

AB: Lider ng Partido walang personal na kayamanan, Duterte bulok