Balita

Retiradong konsultant ng NDFP, asawa, at isa pa, iligal na inaresto sa GenSan

Iligal na inaresto ng mga sundalo at pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) para sa usapang pangkapayapaan na si Ruben Saluta, 75, at kanyang asawa at kapwa rebolusyonaryong si Presentacion Cordon Saluta, 63, at isang pinangalanang Yvonne Losaria sa kanilang tinutuluyang bahay sa Doña Soledad, Barangay Labangal, General Santos City noong Linggo.

Inaresto si Ruben Saluta batay sa gawa-gawang mga kaso ng murder habang si Presentacion at Losaria ay sinampahan ng mga kasong rebelyon. Liban dito, pinalalabas pa ng mga pwersa ng estado na nakuha sa kanila ang anim na matataas na kalibre ng armas, mga bala at kagamitang militar.

Si Ruben ay matanda na at mayroong sakit na hypertension at chronic pulmonary disease. Si Presentacion ay mayroon ding hypertension. Ayon sa pahayag ni Marco L. Valbuena, Chief Information Officer ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), ang mag-asawa ay matagal nang retirado sa aktibong pagkilos mula nang makalabas ng kulungan noong 2016 at 2019.

Ayon sa ulat ng lokal na midya, kasalukuyang nakapiit ang tatlo sa hedkwarters ng CIDG Central Mindanao.

AB: Retiradong konsultant ng NDFP, asawa, at isa pa, iligal na inaresto sa GenSan