Balita

#SaMadalingSalita | #AngBayan Agosto 21

▪️ #LetAliciaSpeak: Panawagan ng mga grupong kabataan para ilantad ang pang-aabusong sinapit ni Alicia Lucena habang iligal siyang idinetine ng NTF-ELCAC, kaktusaba ang kanyang inang ahente, sa maliit na kwarto sa loob ng tahanan ng kanyang pamilya mula Abril 19 hanggang Agosto 15.

▪️ 2,800 traysikel drayber ang naglunsad ng “Piso Kontra 174 Reclamation Project” sa Dumaguete

▪️ 5x na nagtaas ng singil ang Meralco sa nakaraang 5 buwan. Umaabot ang dagdag-singil sa P0.682 kada kWh. Sa kabuuan, katumbas ng dagdag na bayaring P136.40 kada buwan sa mga kumukonsumo ng 200 kWh at P341/buwan para sa 500kWh.

▪️ 7 sa 10 pamilyang Pilipino ang walang impok na pera.

▪️ USS Charleston: Ang barkong pandigma ng US na dumaong sa Maynila noong Agosto 16. Ito ang unang barkong dumaong sa Pilipinas mula 2019 matapos bigyan ni Rodrigo Duterte ng katiyakan ang US na hindi niya ibabasura ang VFA.

▪️ 2,000 lamang na mga migranteng Pilipino ang pinapayagang umuwi sa Pilipinas kada araw.

▪️ Agosto 23, 1896 | Sigaw ng Pugadlawin

▪️ 9 ang bagong bilyunaryo na umusbong sa panahon ng pandemya matapos na pagkakitaan ang pagpapaunlad at pagbebenta ng mga bakuna laban sa Covid-19.

I-download ang isyu rito: urls.cpp.ph/AB20210821

#Aklas

AB: #SaMadalingSalita | #AngBayan Agosto 21