Balita

Tatlong armas, nakumpiska sa aset ng 62nd IB

Nakumpiska ng mga operatiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros ang tatlong mahihinang klase ng armas kay Jorge Javier, aset paniktik ng 62nd IB, sa isang operasyong partisano noong Abril 16 sa Sityo Guibawan, Barangay Bucalan, Canlaon City, Negros Oriental. Napatay din sa naturang opersyon si Javier.

Nakuha sa kanya ang kalibre .45 na colt, isang kalibre .357 magnum, at isang KG-9 submachinegun, dalawang magasin, mga bala at iba pang kagamitang militar. Nakumpiska rin kay Javier ang kanyang ID bilang Barangay Intelligence Network (BIN) ng militar na mayroong source code number U6223MDBLF18III1974A032013.

Sangkot si Javier sa pagbibigay ng impormasyon at paniktik sa militar at pulis na nagresulta sa maraming kaso ng paglabag sa karapatang-tao. Siya ang nagturo sa kinaroroonan ng mag-inang sina Cristina Jacolbe, noo’y buntis, Everly Kee Jacolbe, 16 anyos,at magsasakang si Rodan Montero sa Guihulngan City na nagresulta sa pagmasaker ng 62nd IB sa kanila noong Hulyo 2022. Imbwelto din siya sa pagpatay kay Victor Baldonado noong Nobyembre 2022 at Orlando Fat noong Enero 2023 sa parehong bayan.

Iniulat din ng BHB-Central Negros ang regular na pag-uulat ni Javier sa mga militar at pulis sa Canlaon PNP station at detatsment ng militar sa Barangay Budlasan.

AB: Tatlong armas, nakumpiska sa aset ng 62nd IB