Isang malaking kasinungalingan at resulta ng kanilang kapalpakan ang ipinakalat na balita ng Bravo Coy ng 85th Infantry Battalion ng Philippine Army na diumano’y engkwentro nila sa New People’s Army (NPA) sa San Francisco, Quezon nitong ika-10 ng Abril 2019. Ang tunay na nagbarilan ay sila-sila mismong mga sundalo ng reaksyunaryong estado. Dalawang pangkat ng […]
Damang-dama sa malawak na kanayunan ng lalawigan ng Quezon ang epekto ng tagtuyot na dinaranas sa buong bansa. Nagdudulot ito ng pagkatuyo ng mga bukal, sapa at ilog na nagreresulta sa krisis sa inuming tubig ng mamamayan at pagkasira ng mga pananim. Maging ang mga alagang hayop ng magsasaka ay nagkakasakit dahil sa tindi ng […]
1. Ang NPA ay Disiplinado — magagalang, hindi nananakit o nagmumura sa masa 2. Ang NPA ay hindi kumukuha ng hindi kanila — nagbabayad nang tama para sa binili at isinasauli ang lahat ng hiniram 3. Ang NPA ay nagbabayad para sa anumang nasira — Noong 2018, sa dalawang magkahiwalay na ambus na isinagawa sa […]
Hindi maaaring hiwa-hiwalay ang pagpapatupad ng reporma sa lupa at paglutas ng suliranin ng mamamayan. Anong kabulastugan itong ginawang pagbuwag ni Digong Duterte sa sarili niyang peace panel at pagsusulong ng lokal na usapang pangkapayapaan? Na sinuportahan naman ng kagaya ni Senator Panfilo Lacson dahil diumanoy hindi naman pambansa ang saklaw ng insurgency. Pambansang kalayaan […]
Aabot ba tayo ng singkwenta kung hindi tayo mahal ng masa? Maidadaos ba natin ang pagdiriwang na ito kung hindi tayo nakakatagal sa mga baryo? Hindi matalo-talo ang NPA dahil tinatangkilik tayo ng masang magsasaka at manggagawa at buong bayan! Ang mga bagay na iyan ang araw-araw na bumabagabag at hindi nagpapatulog sa terorista at […]
Patay ang isang sundalo bukod pa sa di mabilang na sugatan sa naganap na engkwentro sa pagitan ng New People’s Army at 85th IBPA noong hapon ng Marso 8, 2019 sa Sityo Tanauan, Barangay Villa Nacaob sa bayan ng Lopez. Mag-iisang linggo nang nag-ooperasyon ang mga sundalo sa naturang barangay nang makasagupa ang isang yunit […]
Matagumpay na nailunsad ng mga pwersa ng NPA-Quezon sa ilalim ng Apolonio Mendoza Command (AMC-NPA-Quezon) ang kontra-atake laban sa nag-operasyong tropa ng SAF-PNP. Ganap na alas 8:12 kaninang umaga, Marso 8, 2019 nang tambangan ng NPA-Quezon ang labindalawang (12) elemento SAF-PNP na lulan sa isang elf truck na nagresulta sa pagkamatay ng 1 opisyal ng […]
Rebolusyunaryong hustisya sa mga biktima ng pagsasamantala sa kababaihan ni Cesar Umali! ================================ Mula sa dokumentong Ukol sa Sistema ng Hustisya ng Rebolusyunaryong Kilusan: VI. Ang Kaparusahan sa Krimen 1. Batay sa bigat ng krimen o pagkakasala, ang maysala ay papatawan ng mga hakbanging pagtutuwid tulad ng pangangaral, paggawa at pagbabayad ng danyos o ng […]
Cleo del Mundo Apolonio Mendoza Command NPA Quezon Limampung taong tinaggap at inaruga ng masa sa Quezon ang rebolusyonaryong kilusan. Hindi ito kailanman kayang lipulin ng diktaduryang rehimeng US-Duterte, maging ng susunod pang mga reaksyunaryo at pasistang rehimen.
Ikinalugod ng rebolusyunaryong mamamayan ng Quezon ang hatol na ibinigay ng Bulacan Regional Trial Court sa kriminal at berdugong si Jovito Palparan, kahapon, September 17, 2018. Kahima’t hindi nito matutumbasan ang rebolusyunaryong hustisya, nagpaluwag kahit papaano sa kalooban ng mga pamilya ng biktima ni Palparan ang hatol na siya ay maysala sa pagdukot at […]