Archive of Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)

Malawakang nakapokus na operasyon ng 203rd Brigade sa Timog Mindoro, binibigo!
July 23, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Binigo ng isang yunit ng Lucio de Guzman Command-NPA-Mindoro ang pag-atakeng inilunsad ng 203rd Brigade noong ika-11 ng Hulyo 2024 sa Sityo Lukban, Barangay Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro. Aktibong pagdepensa ng Pulang Hukbo ang kinaharap ng umaatakeng pasistang tropa ng reaksyunyaryong gobyerno. Sa naganap na labanan bandang 6:05 ng umaga na tumagal ng 20 minuto, […]

4th IBPA at 203rd Brigade, hari ng fake news at terorismo!
July 23, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

  July 1, 2024 | Isang malaking kasinungalingan ng 4th Infantry Brigade ng Philippine Army (IBPA) ang ipinagmamayabang nitong labanan sa pagitan ng kanilang mga tauhan at diumano sampung mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) noong Hunyo 25, 2024 sa Sityo Balagway, Barangay Benli, Oriental Mindoro. Para pagmukhaing totoo ang drama ng 4th IBPA, ipinagyabang […]

Armadong paglaban ng mamamayan, sagot sa pasismo ng estado at gera ng imperyalismong US
July 22, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Taas-kamaong binabati ng Melito Glor Command-NPA ST ang magiting na paglaban ng mamamayang Indian sa pinaigting na pasistang pag-atake ng rehimeng Modi sa anyo ng Operation Kagaar. Sinimulang ipatupad noong Enero ang operasyong ito kung saan ang salitang Kagaar ay nangangahulugan ng “katapusan”. Bahagi ito ng Operation SAMADHAN-Prahar—isang estratehikong kontra-insurhensyang kampanyang sinimulan noong 2017 laban […]

80th IB, "Steadfast" sa mga kasinugalingan at pang-aabuso
July 15, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Rizal (Narciso Antazo Aramil Command) | Macario 'Ka Karyo' Liwanag | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng Narciso Antazo Aramil Command-NPA-Rizal ang mga kasinungalingan at paglabag sa karapatang-tao na isinasagawa ng 80th IB sa nakaraang mga linggo. Noong Hunyo 29, sinuntok ng elemento nitong si Marvin Stamo si David Rizalte Papagitan, residente ng Barangay San Jose, Antipolo City. Matapos manuntok, pagbabanta sa buhay at red-tagging ang ginawa nito kay […]

Hindi pagmamalasakit kundi kalapastanganan sa katawan ng tatlong Pulang mandirigma ng NPA-Batangas ang ginawa ng 59th IBPA at PNP! Hinding-hindi malilinis ang duguang kamay ng pasista-teroristang armadong pwersa ng estado!
July 07, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Batangas (Eduardo Dagli Command) | Gregorio Caraig | Spokesperson |

Pinagpupugayan ng buong rebolusyunaryong kilusan sa Batangas at ng New People’s Army-Eduardo Dagli Command ang tatlong kasamang Pulang mandirigma na nagbuwis ng kanilang buhay para sa masang api at pinagsasamantalahan. Ang tatlong martir ay pinaslang ng teror-pasistang 59th Infantry Batallion ng Philippine Army noong Hunyo 23, 2024 sa naganap na labanan sa hangganan ng mga […]

MASA 2024: Bahagi ng gerang agresyon ng US, panganib sa bayan
June 23, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Tulad ng Balikatan 39-24, panganib at perwisyo ang hatid ng isinagawang Marine Aviation Support Activity (MASA) 2024 mula Hunyo 3-21. Nagsisilbi ito para sa nilulutong gera ng imperyalismong US laban sa China at kung gayon, nagsasapanganib sa buhay ng mamamayang Pilipino. Ang MASA 2024 ang isa sa mga pinakamalaking ehersisyong militar sa pagitan ng mga […]

Mamamayang Mindoreño, dalhin sa tagumpay ang Rebolusyong 1896 sa bago nitong tipo! Mag-armas para sa kalayaan laban sa imperyalismong US!
June 12, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Ngayong araw, Hunyo 12, ginugunita ng mga naghaharing uri at ng mala-kolonyal na estado ang ika-126 taon mula nang ideklara ng palasukong uring burgesya, sa pamumuno ng taksil na si Emilio Aguinaldo, ang pagkakatatag ng “nagsasariling” Republika ng Pilipinas. Higit isang siglo ang lumipas, nanatiling papet at mala-kolonya ng US ang Pilipinas. Ang tumitinding kontrol […]

Pulang saludo kay Ka Hunter at Ka Mamay, mga bayani at martir ng rebolusyon!
May 30, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Ngayong araw, muli nating pinagpupugayan ang mga mahal nating kasama na sina Arc John “Ka Hunter” Baron at Nancy “Ka Mamay” Looy Yaw-an na namartir sa depensibang labanan noong Mayo 30, 2023 sa Brgy. Malisbong, Sablayan, Occidental Mindoro. Isang taon mula nang sila’y paslangin ng mga berdugong sundalo ng 68th IBPA, nananatiling buhay ang kanilang […]

Kampo ng 4th IB sa Oriental Mindoro, pinatamaan ng BHB
May 28, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Pulang saludo ang ipinaaabot ng Lucio de Guzman Command-NPA Mindoro (LDGC-NPA-Mindoro) sa mga Pulang kumander at mandirigma nito na naglunsad ng matagumpay na taktikal na opensiba sa kampo ng 4th Infantry Batallion (IB) sa Sityo Sigao, Barangay Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro noong Mayo 20, 2024. Matagumpay na pinatamaan ng putok ng isang yunit ng LDGC-NPA-Mindoro […]

Pagpupugay sa pag-aambag ng NDFP sa armadong pakikibaka!
May 04, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Malugod na binabati ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog ang National Democratic Front of the Philippines sa 51 taon nitong patuloy at ubos-kayang pagsusulong ng pambansa demokratikong rebolusyon. Saludo ang MGC sa NDFP dahil sa susing papel na ginagampanan nito upang pagkaisahin ang malawak na rebolusyonayong hanay para sa rebolusyong Pilipino. Patuloy na tinanganan ng […]