VFA, ibasura. Nagprotesta ang mga demokratikong organisasyon sa Cebu City noong Mayo 27 para muling ipanawagan ang pagbabasura sa Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at imperyalistang US. Kasabay ito ng ika-25 taong anibersaryo mula nang ratipikahan ng Senado sa ilalim ng rehimeng Estrada ang naturang kasunduan noong Mayo 27, 1999. Pinangunahan ang […]
Ipinagmayabang kamakailan ng Department of Agrarian Reform (DAR) na 2,046 na residente ng Palawan ang nagawaran ng CLOA (Certificate of Land Ownership Award) at mga makinaryang pansaka. Ginawa ang seremonya ng pamamahagi sa PGP Convention Centre, Palawan noong Abril 11. Dinaluhan pa ito ng kalihim ng kagawaran at matataas na upisyal ng prubinsya. Ang totoo, […]
Kinwestyon ng Citizen’s Disaster Response Center Foundation (CDRC) at Leyte Center for Development Enterprise, Inc. (LCDE) ang ipinataw na “freeze order” ng Anti-Money Laundering Council sa kanilang mga akawnt sa bangko. Nagpetisyon ang CDRC sa Court of Appeals sa Quezon City noong Hunyo 2 habang ang LCDE noong Mayo 17 sa parehong korte sa Cebu […]
Noong Marso, binisita ni Gilbert Teodoro Jr, kalihim sa depensa, ang isang baseng nabal sa Casiguran, Aurora. Ang baseng ito ay itinayo ng AFP sa pakikipagtulungan ng Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (APECO) para kontrahin diumano ang presensya ng China sa Benham Rise. Bago nito, pumasok sa kasunduan ang APECO sa Philippine Aerospace […]
Magkakasunod na pambobomba at pag-atake ang inilunsad ng Zionistang Israel sa nauna nitong tinukoy na “ligtas na lugar” ng Rafah, sa timog na bahagi ng Gaza, simula noong huling linggo ng Mayo. Isinagawa ito ng Israel sa kabila ng panibagong desisyon ng International Court of Justice, pangunahing korte ng United Nations, noong Mayo 24 na […]
Apat na magsasaka ang pinatay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Masbate at Negros Occidental noong Mayo. Pare-pareho silang pinalabas na kasapi ng Bagong Hukbong Bayan na napatay sa “engkwentro.” Naitala rin sa nakaraang buwan ang pag-aresto sa tatlong sibilyan, kabilang ang isang sanggol. Pagpatay. Sa Masbate, pinatay ng 96th IB ang 31-anyos […]
Habang pumapasok sa tag-ulan ang Pilipinas ngayong Hunyo, nagtatransisyon naman ang panahon mula El Niño tungong La Niña. Noong Mayo, inilagay na ng PAGASA sa 69% na malamang tatama ang La Niña sa panahon ng Hulyo-Setyembre. Kinatatangian ang La Niña ng mas madalas at mas malalakas na pag-ulan, na tiyak na maghahatid ng mas malalalang […]
Duguan ang kamay ng reaksyunaryong estado ng India sa mas pinatinding gera ng panunupil laban sa mamamayan nito. Simula Enero, ipinatutupad nito ang Operation Kagaar, bahagi ng pinalawak na pagpapatupad sa kontra-insurhensyang kampanya na Operation SAMADHAN-Prahar. Hindi bababa sa 130 sibilyan at mga rebolusyonaryo na ang napaslang sa marumi at brutal na operasyong ito sa […]
Pulos pagpangilad sa katawhang Pilipino ang deklarasyon sa gubyernong US isip “higala, kaabag ug alyado,” o sa ilang “pinutos sa puthaw nga saad” nga “panalipdan ang Pilipinas.” Sa lain-laing yugto sa kapin usa ka siglong kasaysayan sa nasud, subli-subli nga ginapagawas sa US nga kini alyado sa katawhang Pilipino sa ilang pakigbisog alang sa kagawasan. […]