Archive of Articles

2 aktibistang pangkalikasan, ginawaran ng writ of amparo at habeas data
February 21, 2024

Kinatigan ng Korte Suprema ang petisyon nina Jonila Castro at Jhed Tamano, mga aktibistang pangkalikasan na dinukot ng mga ahenteng militar, para sa writ of amparo at habeas data. Nakamit nila ito matapos ang tuluy-tuloy na paggigiit at pagsisiwalat sa brutalidad ng militar at NTF-Elcac mula nang sila’y dukutin noong Setyembre 2, 2023. Lihim na […]

Kamatayan sa mina
February 21, 2024

Ang sakuna ng pagguho ng lupa noong Pebrero 6 sa Maco, Davao de Oro (dating Compostela Valley) ay pinakamalalang sa hindi iilang trahedyang dinanas sa Mindanao, at sa Davao de Oro na isa sa sentro ng pagmimina sa Pilipinas, at hindi una sa kinasangkutan ng kumpanyang Apex Mining Corporation. Matagal nang naninindigan ang mamamayan sa […]

Pagsasanay pulitiko-militar, inilunsad ng BHB-Central Negros
February 21, 2024

Sa gitna ng pinatinding operasyong militar sa larangang gerilya, determinadong inilunsad ng mga Pulang kumander at mandirigma ang isang pagsasanay sa Batayang Kurso sa Pulitiko-Militar noong Enero 20-27. Layunin ng aktibidad na armasan ang mga mandirigma ng batayang mga prinsipyong pulitiko-militar para matapang na harapin ang kontra-rebolusyong kampanyang panunupil ng rehimeng Marcos. Bahagi din ang […]

Ika-85 kaarawan ni Ka Joma, ipinagdiwang
February 21, 2024

Ipinagdiwang ng rebolusyonaryong kilusan, mga alyado, at lokal at internasyunal na mga kaibigan ang ika-85 kaarawan ni Kasamang Jose Maria Sison noong Pebrero 8. Inilunsad nila ang iba’t ibang aktibidad para dakilain si Ka Joma at pahalagahan ang makabuluhan niyang mga ambag sa rebolusyong Pilipino. Sa Rizal, nagsagawa ng serye ng oplan-dikit at oplan-pinta sa […]

Mga protesta
February 21, 2024

  Rali kontra-pribatisasyon ng PUP. Nagprotesta sa House of Representatives sa Quezon City ang mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) noong Pebrero 12 kasabay ng pagdinig sa National Polytechnic University (NPU) Bill na magbibigay-daan sa ibayong pribatisasyon at komersyalisasyon ng edukasyon sa unibersidad. Naglalaman ng mga prubisyon ang naturang panukala na magpapahintulot […]

Alyansang anti-chacha, magpuprotesta sa ika-38 anibersaryo ng Pag-aalsang EDSA
February 21, 2024

Nagtipon noong Pebrero 15 ang mahigit 100 mga organisasyon at indibidwal sa ilalim ng No to Chacha Network para tutulan ang pakana ng rehimeng Marcos na baguhin ang Konstitusyong 1987 (charter change o chacha), sa pamamagitan ng anumang porma. Inihayag din nila ang paggunita sa ika-38 taon ng Pag-aalsang EDSA, na anila’y batayan kung bakit […]

5-taong Rice Liberalization Law, ibasura!
February 21, 2024

Nagprotesta ang mga grupo ng magsasaka at kababaihan sa Mendiola sa Maynila noong Pebrero 14 para ipanawagan ang pagbabasura sa Rice Liberalization Law (RLL), na naisabatas sa araw ding iyon noong 2018. Binatikos nila ang liberalisasyon ng pag-aangkat ng bigas na nagresulta sa pagtaas pang lalo sa presyo ng bigas, kabaligtaran sa pangako nitong ibababa […]

Mga buladas ng “masamang epekto” ng dagdag-sahod
February 21, 2024

Muli na namang nagkoro ang mga kapitalista, kanilang mga tagapagtanggol sa kongreso at mga ahensya ng estado sa “masasamang epekto” ng dagdag-sahod sa ekonomya at sa mga manggagawa mismo. “Magsasara ang maliliit na negosyo!” “Tataas ang singil at presyo!” at ang pinakamalala, “Pahihirapan nito ang mga manggagawa!” Ilambeses nang napabulaanan ang mga pagdadahilang ito. Sa […]

Sa madaling salita
February 21, 2024
Jeepney phaseout, pahirap sa kababaihan
February 21, 2024

Laging kinakabahan, laging stressed (aligaga). Syempre, diyan lang kami nabubuhay eh,” pagbabahagi ni Aling Myrna, asawa ng tsuper ng dyip at konduktor din sa pamamasada, nang tanungin sa programa ng rehimeng Marcos na Public Utility Vehicles (PUV) phaseout. Ganito ang pangkalahatang pakiramdam ng mga tsuper at opereytor, kanilang mga asawa at pamilya, kahit pa muling […]