Pitong armadong aksyon, karamihan mga operasyong isnayp, ang inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa Bicol, Negros, Davao de Oro at Bulacan noong nagdaang mga linggo. Dalawang elemento ng 94th IB ang nasugatan sa operasyong isnayp ng BHB-South Central Negros (Mount Cansermon Command) noong Pebrero 22 sa Sityo Amaga-Cantupa, Barangay Buenavista, Himamaylan City […]
Protesta ng mga sinalanta ng bagyong Odette sa Bais City. Nagmartsa ang mga residente ng Bais, Negros Oriental na sinalanta ng bagyong Odette tungong lokal na upisina ng Department of Social Work and Development noong Marso 3 para singilin ang ayudang pinansyal na nakalaan sa kanila. Magtatatlong buwan na mula nang nanalasa ang bagyo pero […]
Tatlong kaso ng pambobomba mula sa ere at panganganyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga sibilyang komunidad ang naitala sa nagdaang dalawang linggo. Libu-libong pamilya ang napilitang magbakwit dahil sa mga ito. Naghulog ng di bababa sa 12 bomba ang AFP sa kampo ng Moro Islamic Liberation Front sa Maguing, Lanao del […]
Mahigit 4,000 katao ang nagmartsa tungong People Power Monument sa kahabaan ng Edsa, Quezon City noong Pebrero 25 upang gunitain ang ika-36 taon ng pag-aalsang EDSA. Sa pangunguna ng grupong Bayan, sigaw nila ang “Ang pinatalsik ng Edsa, huwag nang ibalik pa!” “Teach-in” o isang malaking klase ang tipo ng protestang inilunsad ngayong taon. Binalik-aralan […]
Litaw na litaw ang modus ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na palabasing engkwentro ang ginawang pagmasaker ng mga yunit nito sa limang sibilyan sa New Bataan, Davao de Oro noong pagitan ng Pebrero 23 ng gabi at umaga ng Pebrero 24. Inanunsyo ng 10th ID sa sumunod na araw, kumpleto ng karimarimarim na […]
Matagal nang isinusulong ng mga grupong kababaihan sa Pilipinas ang karapatan sa diborsyo. Lalong lumalakas ang kanilang panawagan sa harap ng tumitinding pang-aabuso sa mga kababaihan sa loob ng tahanan, laluna mula nagpandemya. Sa Pilipinas, isa sa kada apat na kababaihang Pilipino na edad 15-49 ay nakaranas ng pisikal, emosyonal o sekswal na karahasan mula […]
Bakit iniiwasan ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga pampublikong debate, porum at interbyu? Isa sa mga dahilan ay ayaw niyang mabulatlat sa publiko ang tinatagong nakaw na yaman ng kanilang pamilya. Gaano ba kalaki ang nakaw na yaman ng pamilyang Marcos? May konserbatibong tantya na umaabot ito sa $10 bilyon o ₱510 bilyon (sa […]
Ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine noong Pebrero 24 ay pagsiklab ng inter-imperyalistang armadong tunggalian bunga ng walang-awat na panunulsol ng US at alyado nito sa North Atlantic Treaty Organization (NATO). Lampas tatlong dekada na ang pang-uudyok ng US-NATO sa anyo ng pagyurak sa kasunduang Minsk ng 1991 na hindi ipapaloob sa saklaw ng US-NATO […]
For two hours, the New People’s Army (NPA) held a portion of the national highway in Surigao del Sur (SDS) last February 10. The Red fighters mounted checkpoints in Barangay Mabahin, Cortes while carrying an operation to disarm three former soldiers in their home by the roadside. The measure was part of carrying out the […]