Mga Martir ng Rebolusyon
Sa pahinang ito pinararangalan ng Partido at buong rebolusyonaryong kilusan ang lahat ng mga bayani at martir ng mamamayang Pilipino na walang pag-iimbot na nag-alay ng buhay para sa pambansa-demokratikong adhikain ng mamamayang Pilipino. Binibigyan nito ng natatanging pagkilala ang lahat ng mga lider ng Partido at mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan na nabuwal sa pagsusulong ng digmang bayan at paglaban sa pasista at reaksyunaryong mga rehimen sa nagdaang mga taon. Habampanahong nakatala sa kasaysayan ng rebolusyong Pilipino at nakakintal sa isip at puso ng mamamayan ang kanilang mga pangalan.
Hinihikayat ng PRWC ang lahat ng mga komite ng Partido sa rehiyon at mga kumand ng BHB, na isumite ang mga pangalan ng mga martir na wala pa sa listahang ito.
Ka Jacob
Chinee Oyangurin
Mula sa pamilyang panggitnang magsasaka si Ka Jacob, 22 anyos, na taga-Brgy. Camindangan, Sipalay City. Naging myembro siya ng Kabataang Makabayan at aktibong lumahok s mga rebolusyonaryong aktibidad sa kanyang lugar.
Pagtuntong niya ng 18 noong 2020, agad siyang sumapi sa BHB. Masigasig siya sa gawaing masa at malapit sa mga kasama.
Namartir siya noong Nobyembre 21, 2024, kasama ng anim pang mandirigma, sa Sityo Suso, Barangay Gatuslao, Candoni, Negros Occidental, sa gitna ng labanan sa pagitan ng kanyang yunit at ng mga sundalo mula sa 47th IB at 15th IB. Kinilala sila bilang mga martir ng Candoni.
Ka Fita
Ipinanganak si Ka Fita,33 anyos, sa Iloilo sa pamilyang magsasaka. Nag-iisa siyang lalaki sa kanilang magkakapatid at naging pangunahing katuwang ng pamilya sa pagsasaka.
Nagdesisyon si Ka Fita na magpultaym sa BHB noong 2021 bitbit ang rebolusyonaryong optimismo. Masipag at walang pagod niyang inialay ang kanyang panahon at lakas sa pagtupad sa kanyang mga rebolusyonaryong gawain. Nagsilbi siyang upisyal medikal, at upisyal sa pinansya at lohistika ng kanyang platun.
Namartir siya noong Nobyembre 21, 2024, kasama ng anim pang mandirigma, sa Sityo Suso, Barangay Gatuslao, Candoni, Negros Occidental, sa gitna ng labanan sa pagitan ng kanyang yunit at ng mga sundalo mula sa 47th IB at 15th IB. Kinilala sila bilang mga martir ng Candoni.
Ka Art
Jonel Saroa Anecito
Nagmula si Ka Art, 29 anyos, sa Brgy. Camansi, Kabankalan City, Negros Occidental. Nagpultaym siya noong 2024 at nagsilbing upisyal sa lohistika ng kanyang platun. Masipag at maalalahann siya sa mga mga kasama. Mahiyain pero kapag nakapalagayang-loob na, madali siyang lapitan ng mga kasama.
Namartir siya noong Nobyembre 21, 2024, kasama ng anim pang mandirigma, sa Sityo Suso, Barangay Gatuslao, Candoni, Negros Occidental, sa gitna ng labanan sa pagitan ng kanyang yunit at ng mga sundalo mula sa 47th IB at 15th IB. Kinilala sila bilang mga martir ng Candoni.
Ka Wanny
Rodney Lumanog
Isang magsasaka mula sa Barangay Menchaca, Calatrava, Negros Occidental si Ka Wanny, 52 taong gulang. Bata pa lamang siya, kilala na ng kanyang pamilya ang rebolusyonaryong kilusan. Naging myembro siya ng Kabataang Makabaya bago siya nagpultaym sa BHB noong dekada 1990. Nagsilbi siyang upisyal ng lohistika at pinansya ng kanyang yunit sa hukbo. May diperensya sa paa si Ka Wanny mula sa pagkakaopera dito noong dekada 1990.
Pinatay si Ka Wanny ng 15th iB matapos mahuli sa isang depensibong labanan sa Sityo Cambogui-ot, Brgy. Camindangan, Sipalay City noong Enero 10, 2025. Tinurtyor siya bago pinatay.
Ka Berting/Tonyo
Hilario Guiuo
Punong Kumander ng rehiyon at Kalihim ng Komiteng Rehiyon si Ka Berting. Isa siyang rebolusyunaryong Kristyano, doktor, guro, mapagmahal na ama, at artista ng bayan.
Namartir siya, kasama ng siyam pang mandirigma, sa isang depensibang labanan, kung saan gumamit ang militar ng mga helikopter at drone, sa Barangay Malbang, Pantabangan, Nueva Ecija, noong Hunyo 26, 2024.
Ka Luzon
Harold Menosa
Kilala bilang Pulang kumander, isinilang sa bayan ng San Luis, Aurora si Ka Luzon sa pamilya ng maralitang magsasaka. Sa panahon ng kanyang murang edad ay nakakasalamuha na ang mga Pulang mandirigma. Dalawa sa kanyang mga kamag-anak ay nagpultaym at namartir sa pakikibaka. Aktibo siya sa binuong grupo ng mga kabataan sa kanilang baryo na kabilang sa gawain ay suportang-kombat.
Una siyang nagpultaym sa BHB noong 2001. Hindi natinag ang kanyang paninindigan kahit matapos maging biktima ng sapilitang pagkawala ang kanyang amang si Deodicto Menosa noong 2019. Dahil sa kanyang husay sa pamumuno, itinalaga siyang kumander sa isang yunit na ipinadala sa Aurora. Naging bahagi din siya ng yunit na tumawid mula Sierra Madre tungong Caraballo.
Namartir siya, kasama ng siyam pang mandirigma, sa isang depensibang labanan, kung saan gumamit ang militar ng mga helikopter at drone, sa Barangay Malbang, Pantabangan, Nueva Ecija, noong Hunyo 26, 2024.
Ka Lunti
Marian Castro
Napanday bilang isang mahusay na pampulitikang instruktor at pulang kumandera si Ka Lunti sa gitna pinakamalupit na teroristang aksyon ng apat na magkakasunod na rehimen mula kay Arroyo hanggang sa kasalukuyang panunumbalik ng rehimeng Marcos Jr.
Isa na si Ka Lunti sa masasabing haligi ng Yunit ng Sierra Madre. Sa mahabang panahon, tumayo syang kalihim ng Sangay ng Partido sa Platun (SPP) at kagawad ng Komiteng Tagapagpaganap ng Komiteng Larangang Gerilya (KT-KLG). Bilang Pampulitikang Instruktor (PI), matyaga siyang naglilinaw sa mga kasama ng mga batayang prinsipyo, pormal o impormal mang mga talakayan.
Namartir siya, kasama ng siyam pang mandirigma, sa isang depensibang labanan, kung saan gumamit ang militar ng mga helikopter at drone, sa Barangay Malbang, Pantabangan, Nueva Ecija, noong Hunyo 26, 2024.
Ka Soral/Teo/Ron
Archie Arceta
Kilala bilang Soral Malaya, rebolusyunaryong makata, nagmula si Ka Ron Lumaki sa uri ng mababang petiburgis sa kalunsura. Taong 2008 ay na-organisa si Ka Ron sa kanyang unang taon pa lamang sa kolehiyo sa Jose Rizal University. Namulat siya na ang pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa eskwelahan. Sa kanyang kasigasigan, nagsilbi siyang pambansang upisyal ng organisasyong pangkabataan.
Nagpultaym sa BHB si Ka Ron noong 2011 at nagsilbi sa National Military Staff (NMS) na naka-base sa Tarlac. Mayaman ang kanyang karanasan sa pag-oorganisa ng mga magsasaka sa kanayunan. Naging bahagi siya ng komite ng platun at distrito sa Tarlac, ilang bahagi ng Pangasinan at Nueva Ecija. Mula sa pambansang istap ng Hukbo, tuluyan silang ipinailalim sa pamumuno ng rehiyon.
Namartir siya, kasama ng siyam pang mandirigma, sa isang depensibang labanan, kung saan gumamit ang militar ng mga helikopter at drone, sa Barangay Malbang, Pantabangan, Nueva Ecija, noong Hunyo 26, 2024.
Ka Shyla/Cha
Asaze Galang
organisador ng kabataan, propagandista-ahitator
Namartir siya, kasama ng siyam pang mandirigma, sa isang depensibang labanan, kung saan gumamit ang militar ng mga helikopter at drone, sa Barangay Malbang, Pantabangan, Nueva Ecija, noong Hunyo 26, 2024.
Ka Dylan
Pepito Bautista
pinagpipitagang kasapi ng Partido at Hukbo na sa kanyang edad na 64 ay walang pagdadalawang loob na magpatuloy bilang Hukbo ng masa
Namartir siya, kasama ng siyam pang mandirigma, sa isang depensibang labanan, kung saan gumamit ang militar ng mga helikopter at drone, sa Barangay Malbang, Pantabangan, Nueva Ecija, noong Hunyo 26, 2024.
Ka Eric/Tagumpay
Noel Bedonia
Propagandista-ahitador, organisasor ng maralitang lungsod at mga tsuper bago naging mahusay ng Pulang mandirigma si Ka Eric.
Namartir siya, kasama ng siyam pang mandirigma, sa isang depensibang labanan, kung saan gumamit ang militar ng mga helikopter at drone, sa Barangay Malbang, Pantabangan, Nueva Ecija, noong Hunyo 26, 2024.
Ka Angel/Mysan
Noel Bedonia, Jr
Tipikan na kabataan si Ka Mysan, 18 anyos, na mahilig sa computer games. Anak siya ni Ka Eric (Noel Bedonia), isang dating organisador ng mga tsuper sa Metro Manila. Natulak na magpultaym si Ka Mysan nang ipatupad ang huwad na modernisasyon ng dyip na lalong nagsadlak sa kanilang pamilya sa kahirapan.
Bilang pultaym sa hukbo, nag-ambag siya ngmga dehubo at sining sa Pulang Silangan, rebolusyonaryong pahayagan ng Silangang Gitnang Luzon. Isa siya sa pinabagong mandirigma ng yunit, pero mabilis siyang nakaangkop sa mahirap at praktikal na buhay ng hukbo. Nagsilbi siyang istap ng lohistika at medik ng yunit. Aktibo siya sa gawaing pangkultura ng yunit.
Namartir siya, kasama ng siyam pang mandirigma, sa isang depensibang labanan, kung saan gumamit ang militar ng mga helikopter at drone, sa Barangay Malbang, Pantabangan, Nueva Ecija, noong Hunyo 26, 2024.
Ka Mel
Reynan Mendoza
Magiting na anak ng pakikibakang magsasaka sa Hacienda Luisita at doktor ng masa si Ka Mel.
Namartir siya, kasama ng siyam pang mandirigma, sa isang depensibang labanan, kung saan gumamit ang militar ng mga helikopter at drone, sa Barangay Malbang, Pantabangan, Nueva Ecija, noong Hunyo 26, 2024.
Ka Molly
Angelika Villalon
Rebolusyunaryong Kristyano at mapagkalingang doktor ng masa si Ka Molly.
Namartir siya, kasama ng siyam pang mandirigma, sa isang depensibang labanan, kung saan gumamit ang militar ng mga helikopter at drone, sa Barangay Malbang, Pantabangan, Nueva Ecija, noong Hunyo 26, 2024.
Ka Wena
Susan Ritual
Isang mahusay na pulang kumandera at huwarang rebolusyonaryong katutubong Dumagat mula sa Au-
rora si Ka Wena. Maaga siyang namulat sa hirap ng buhay lalo na sa hindi pantay na pagtrato ng lipunan sa mga kagaya niyang pambansang minorya. Pinanday siya ng kanyang mga karanasan sa pakikidigma sa loob ng dalawang dekadang pagkilos. Isa rin siyang rebolusyonaryong ina.
Sa loob ng hukbo ginugol ni Ka Wena ang kanyang kabataan. Dito na rin siya nag-aral at natuto na magbasa at magsulat. Sa pagsampa niya sa hukbo ay una siyang naging medic ng platoon, minahal niya ng lubos ang tungkuling ito, marami siyang masa at kasama na kinalinga at ginamot. Kalaunan, tinanganan niya ang tungkulin ng pagiging Giyang Pampulitika, Pampulitikang Instruktor, Squad Lider, Vice Platoon Lider, at PlatoonLider. Si Ka Wenna ay isang komprehensibong kadre ng Partido’t Hukbo na malaki ang naging papel sa bawat larangan na kanyang kinilusan.
Namartir si Ka Wena sa isang depensibang labanan noong Nobyembre 28, 2024 sa Famy, Laguna.
Ka George/Nathan
Gladys Cassandra
Nagmula sa isang rebolusyonaryong pamilya si Ka George. Noong una, madalas syang naghahanap at naniningil sa kanilang mga magulang dahil lumaki silang hindi kapiling ang mga ito. Nang makadalaw siya sa kanyang mga magulang ay naunawaan nya kung bakit tinahak ng kanyang mga magulang ang landas ng rebolusyon at nagsakripisyong mapawalay sa kanilang mga anak.
Taong 2016 nang magpultaym sa BHB si Ka George. Nakasama siya sa mga matutunog na taktikal na opensibang bumigwas sa kaaway at naggawad ng rebolusyonaryong hustisya. Gumampan siya ng iba’t ibang gawain mula pagiging opisyal lohistika at medikal tungong opisyal pampulitika at militar. Siya ang nasa likod ng panulat nina Gregoria Saka at Ka Nathan.
Namartir siya, kasama sina Ka Alex at Ka Reb, sa isang labanan sa tropa ng 59th IB sa umaga ng Hunyo 23, 2024 sa Brgy. Bolbok, Tuy, Batangas.
Ka Alex/Sierra
Royce Jethro Magtira
Tubong Cavite at nagmula sa uring panggitnang petiburgesya, namulat si Ka Alex sa kasagsagan ng gera kontra-droga ng rehimeng US-Duterte matapos na maging biktima ng tokhang ang kanyang mga kakilala at kapwa rapper at hiphop. Bago sumampa sa Hukbo, isa siyang manggagawang pangkultura na ginagamit ang talento sa pagsusulat, pag-awit at pagguhit para magmulat, mag-organisa at magpakilos ng mga maralitang lungsod at kabataan. Siya ang nasa likod ng panulat ni Katarina Liwayway na nagkwento hinggil sa kabulukan ng gubyerno at serbisyong panlipunan.
Disyembre 2022 nang magpasya siyang sumapi sa BHB at naipakat siya sa isang yunit sa Batangas. Tatak niya ang pagiging artista ng bayan. Sa gawaing masa man o gawaing konsolidasyon sa yunit.
Namartir siya, kasama sina Ka Yuhan at Ka Reb, sa isang sagupaan laban sa tropa ng 59th IB noong umaga ng Hunyo 23, 2024 sa Brgy. Bolbok, Tuy, Batangas.
Ka Reb/Andy
Jian Markus Tayco
Tubong Cavite at bunso sa pamilya si Ka Reb. Habang nasa senior highschool, nagpasya siyang magpultaym bilang organisador. Iniwan nya ang maalwang buhay para makipamuhay sa mga maralitang lungsod at mga magsasakang pinagkakaitan ng lupa, kabuhayan at panirikan.
Kalauna’y nagpasya si Ka Reb na makipamuhay na rin sa masang magsasaka at umanib sa BHB. Sa loob ng Hukbo, naging tanyag siya sa pagiging makata at mang-aawit. Kinagiliwan sya ng mga masa at kasama. Nagsikap sya at mapangahas na nagpakahusay sa gawaing militar at pagkakabisa sa tereyn ng kanayunan kahit na salat sa karanasan.
Namartir siya, kasama sina Ka Yuhan at Ka Alex, sa isang sagupaan laban sa tropa ng 59th IB noong umaga ng Hunyo 23, 2024 sa Brgy. Bolbok, Tuy, Batangas.
Ka Agnes
Rosemarie Gayadan
Sa murang edad, maagang namulat si Ka Agnes, 29 taong gulang, sa pagrerebolusyon dahil ang kanilang baryo ay saklaw ng sonang gerilya. Bunso siya sa kanilang magkakapatid. Mula siya sa katutubong Iraya-Mangyan. Kasama siya sa nagsulong ng kampanyang agraryo sa kanilang lugar. Dahil sa kahirapan ng buhay, sa loob na siya ng hukbo natutong magbasa, magsulat, at magkwenta.
Mula ng sumampa siya noong 2013, kasama siya ng yunit na kumilos sa mga eryang ito para ireaktiba, irekober, at konsolidahin ang baseng masang matagal na naiwanan ng yunit. Kilalang kilala sya ng mga masa laluna ng mga bata at nanay dahil sa pagiging malapit at makwento sa kanila. Mahabang panahon siyang naging upisyal sa lohistika ng platun at yunit.
Namartir si Ka Agnes sa isang depensibang labanan noong December 18, 2024 sa Sitio Tinis-an, Brgy. San Vicente, Roxas Oriental Mindoro.
Ka Igo
Jhonas Rivera
Tubong Brgy. Purnaga, Magsaysay, Occidental Mindoro si Ka Igo, 52 taong gulang. Isa siyang Mangyan Hanunuo na produkto ng mga panimulang pagsisikap ng rebolusyonaryong kilusan sa isla. Namulat at naorganisa siya sa kasagsagan ng mga aksyong okupasyon ng mga setler at katutubong magsasaka sa mga pastuhang kinakamkam ng mga panginoong maylupa
Sa loob ng mahigit 30 taon, ipinamalas niya ang walang-maliw at marubdob na pagmamahal sa Partido at sa bayan. Larawan siya ng di-pagkamakasarili at katatagan sa gitna ng mga unos at buhay-at-kamatayang karanasan. Huwaran siya sa simpleng pamumuhay at puspusang pakikibaka. Palagi siyang nakahandang magbigay ng anumang kanyang gamit basta’t ito ay kailangan ng kasama, kahit minsan ay siya ang mawawalan.
Namartir si Ka Igo sa isang labanan sa Brgy. Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro noong Nobyembre 23, 2024.
Ka Arya
Junalice Arante-Isita
Namartir sina Ka Arya, Ka Mike at Ka Ricky sa isang labanan noong Marso 26, 2024 sa Brgy. Elvita (Tubahan), Rosario, Batangas.
Tubong Lipa City, Batangas, nagmula si Ka Arya, 37 anyos, sa uring mababang petiburgesya. Namulat siya sa militanteng kilusan ng kabataang-estudyante sa Maynila noong 2004 sa unang taon niya sa kolehiyo. Naging tinig ng iba���t ibang sektor si Junalice at malakas na itinambol ang mga isyu ng mga magsasaka at manggagawang bukid sa tubuhan, ng mangingisda, ng manggagawa, maralitang lungsod, mga biktima ng kalamidad.
Dahil sa matinding banta ng estado sa kanyang buhay, napilitang kumilos nang lihim si Ka Arya hanggang sa noong Agosto 2015 ay nagpasya siyang sumampa na sa Hukbo upang lumahok sa armadong pakikibaka. Nobyembre 2016 nahalal siyang kagawad ng Pamprobinsyang Komite ng Partido sa Batangas at naging kagawad ng istap nito sa edukasyon, propaganda at kultura (EPK). Pinangunahan niya ang pagsusulat at paglalathala ng pamprobinsang pahayagan ng Partido na Lagablab ng Batangan at mga gawaing pamamahayag sa probinsya. Mahusay din siyang manunulat ng tula sa likod ng mga pangalang Adel Serafin, Belinda Bukirin, Ka Minda, Ka Enya.
Ka Mike
Bernardo Bagaas

Ka Ricky
Erickson Cueto

Ka Zoe
Divine Sureta
Iginuhit ni Ka Zoe ang isa sa mga natatanging kuwento ng buhay ng mga katutubo. Nakatuntong siya ng kolehiyo sa Camarines Norte State College at kumuha ng kursong History. Sa kabila ng mga oportunidad na bumukas sa kanya kagaya ng pagiging lider at opisyal ng mga samahang Manide, makapagtrabaho sa mga institusyong kagaya National Commission for Indigenous People at maging guro sa mga paaralan, noong 2016 natagpuan ni Ka Zoe ang tunay na kahulugan ng paglilingkod sa kapwa niya katutubo at buong sambayanan.
Naging pultaym na mandirigma ng BHB si Ka Zoe at lumahok sa pagpapasigla ng mga kampanyang masa para sa pagpapataas ng presyo ng kopra at buong niyog. Naging malaking karangalan ng tribung Manide si Ka Zoe. Ipinagmamalaki nila ang kanilang kapwa katutubo na kanila ring mahal na titser sa pag-aaral magsulat, magbasa at magbilang.
Namartir siya, kasama si Ka Isko (Paolo Cruz), sa isang labanan noong Marso 28, 2024 sa bayan ng Guinayangan, Quezon.
Ka Isko
Paolo Cruz
Unang pumasok sa isang larangan sa South Quezon noong September 2020 si Ka Isko. Kahit napakabago sa pakikidigmang gerilya, magiting niyang inalpasan ang tinaguriang “limang unos ng Nobyembre” — ito ang limang labanan na naganap sa loob ng 18-araw ng Nobyembre, 2020. Noong Disyembre 2022, nagpasya siyang magpultaym sa hukbo. Hindi naging madali sa kanya ang buhay gerilya pero mataas ang determinasyon niyang ginampanan ang tungkulin bilang upisyal pampulitika ng kanyang yunit.
Mahaba ang kalsadang pinagmartsahan ng kadreng lungsod bago siya nakarating sa mga larangan ng Quezon at Bicol. Siya muna si Kasamang Tere sa mga kabataan at manggagawang bukid sa tubuhan ng rehiyong Central Luzon. Siya si Ka Pau sa maralitang komunidad ng Camanava area. Siya si Ka Drew sa mga manggagawa ng Quezon City. Kagawad siya ng Komiteng Probinsya ng Partido nang siya ay mamartir.
Namatay siya, kasama si Ka Zoe (Divine Zureta), sa isang labanan noong Marso 28, 2024 sa bayan ng Guinayangan, Quezon.
Ka Honda/KM
Wally Agudes
Tubong Puray, Rodriguez, ipinanganak si Ka KM sa pamilyang magsasaka noong Marso 29, 1979. Ikaanim siya sa 16 na magkakapatid. Dahil sa hirap ng buhay, napilitan siyang tumigil ng pag-aaral at maghanapbuhay para tustusan ang pangangailangan ng pamilya. Mayor na katuwang siya ng kanyang pamilya sa pag-uuling at pagkakaingin.
Nahasa si Ka Honda ang taktika at teknika sa pakikidigma sa paglahok sa samutsaring aksyong militar sa probinsya at rehiyon. Mula nang sumampa, lumahok siya sa mga taktikal na opensiba sa Rizal kagaya ng mga reyd, haras, ambus at hakbang pamamarusa laban sa masasamang elemento, goons at mapangwasak na proyekto ng naghaharing uri sa Rizal.
Si Ka KM ay pataksil na pinaslang ng 80th IB noong Hulyo 18, alas-10 ng gabi sa Brgy. Burgos, Rodriguez, Rizal.
Ka Japet
Rey de los Santos
Tubong Lopez, Quezon si Ka Japet. Bunso siya sa tatlong magkakapatid at galing sa uring magsasaka. Ang kanilang baryo ay bahagi ng lugar kung saan nagsasagawa ng gawaing masa ang isang yunit ng BHB-Quezon. Sumunod siya sa yapat ng ang kanyang kuya na si Ricky “Ka Ronel” Delos Santos unang sumapi sa BHB. Namartir si Ka Ronel sa isang depensibang labanan sa Sityo Mawan, Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro noong Hunyo 13, 2019.
Sa loob ng Hukbo, lalong nalinang ang likas na kapasidad niya sa gawaing militar. Mahigpit na siyang nakakatuwang ng mga kasama sa pagtuklas ng mga ruta at daan, pagkabisa sa kalupaan, at pagtaya ng galaw at kilos ng kaaway. Sa ilalim ng nom de plume na Leo Amarillo, inilathala ang ilan niyang mga tula sa mga rebolusyunaryong publikasyon na Lagablab ng Batangan, Kalatas at Dagitab.
Namartir siya sa isang engkwentro noong Disyembre 4, 2024 sa Barangay Balibago, Lobo, Batangas.
Ka Karl
Ariel Arbitratio
Tubong-Davao, ipinanganak si Ka Karl noong Nobyembre 1969 at nagmula sa uring petiburgesya. Nag-aral siya sa kursong BS Civil Engineering sa Ateneo de Davao University. Mula sa pagiging aktibista, naging kasapi siya ng Partido noong 1986 at naglaan ng buong-panahon para sa Partido mula 1988.
Nagsilbi siyang pinuno sa iba’t ibang mga komite at antas ng Partido sa Southern Mindanao at buong Mindanao noong 1988 hanggang 2008. Nadakip siya ng mga pwersa ng estado noong Pebrero 2008. Nakalaya siya noong 2016 at nagsilbing isa sa mga konsultant ng National Demoratic Front of the Philippines sa negosasyong pangkapayapaan. Kasunod ng pagbasura ng rehimeng US-Duterte sa negosasyong pangkapayapaan, sa Cagayan Valley na kumilos si Ka Karl kung saan naitalaga siyang kalihim ng Komiteng Probinsya ng Partido sa Cagayan simula Agosto 2018 at naging kagawad ng Komiteng Tagapagpaganap ng Komiteng Rehiyon hanggang gumanap sa Kalihiman ng Komiteng Rehiyon noong 2021.
Sadyang pinatay si Ka Karl, kasama sina Ka Seed at Ka Jorly, habang nagsasagawa ng konsultasyon a masang magsasaka sa Sityo Pallay, Barangay Baliuag, Peñabalanca, Cagayan noong Setyembre 11, 2024.
Ka Seed
Daniel Marie Pelagio
Ipinanganak si Ka Seed noong 1996 sa isang pamilyang petiburges. Lumaki siya sa maalwan at maginhawang buhay. Nakapagtapos siya sa kursong BA Theater Arts sa Polytechnic University of the Philippines (PUP)-Sta. Mesa. Matapos gumradweyt, agad na siyang kumilos nang buong-panahon at nakipamuhay sa mga magsasaka at mangingisda ng Cavite. Noong Marso 2020, mapagpasya siyang tumungo sa Cagayan Valley para sumapi sa BHB.
Habang nasa hukbo, nagsilbi siyang upisyal medikal sa yunit ng BHB at masigasig na nagtatayo ng mga barrio medical group (BMG) sa napupuntahang mga komunidad. Tumayo rin siyang upisyal sa organisasyon sa yunit ng Partido na kanyang kinabibilangan.
Sadyang pinatay si Ka Seed, kasama sina Ka Jorly at Ka Karl, habang nagsasagawa ng konsultasyon a masang magsasaka sa Sityo Pallay, Barangay Baliuag, Pe��abalanca, Cagayan noong Setyembre 11, 2024.
Ka Jorly
Erin Sagsagat
Larawan ng katatagan at katapatan sa rebolusyon at Partido ang naging buhay ni Ka Jorly. Nagmula siya sa pamilyang maralitang magsasaka ng Bural sa Zinundungan Valley, Rizal. Sumapi siya sa BHB noong dekada 1980 nang siya ay nasa kasibulan pa ng kanyang kabataan, mga taong nasa rurok din ang armadong pakikibaka sa Cagayan. Isa siya sa matatapat na kasamang taimtim na tinanggap ang
Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto.
Sa loob ng halos apat na dekadang pagkilos, naidestino siya sa iba’t ibang mga rehiyon at isla sa buong bansa—mga lugar na hindi pamilyar, iba ang lenggwahe at kultura. Gayunpaman, walang pag-iimbot na tinatanganan ni Ka Jorly ang kanyang mga tungkulin at ipinamalas ang mataas na komunistang diwa na pagpapanguna sa interes ng kabuuan.
Sadyang pinatay si Ka Jorly, kasama sina Ka Seed at Ka Karl, habang nagsasagawa ng konsultasyon a masang magsasaka sa Sityo Pallay, Barangay Baliuag, Peñabalanca, Cagayan noong Setyembre 11, 2024.
Ka Nina/Aika
Lennel Domanais
Dating estudyante ng UP Diliman si Ka Aika bago nagpasyang tahakin ang landas ng armadong pakikibaka noong 2019. Sa unang mga taon, naideploy siya sa isang panteritoryong yunit ng BHB sa Isabela bago tuluyang naitalaga sa pangrehiyonal na sentro de grabidad (RSDG) kung saan siya nahasa bilang upisyal ng lohistika. Nakapaloob din siya sa grupong pampulitika at kalauna’y naging kagawad ng komiteng tagapagpaganap sa Sangay ng Partido sa loob ng platun.
Sa edad na 23, namartir si Ka Aika sa isang depensibang labanan sa pagitan ng BHB at 95th IB sa Villa Cielo, Buguey, Cagayan noong Mayo 3, 2023.
Ka Emil/Hadjie
Vicente Hinojales
Si Ka Emil, 55, ay kagawad ng Komite Sentral at kalihim ng Panrehiyong Komite ng Partido sa Panay. Kabilang siya sa mga nakababatang kadre ng Partido na gumagampan ng mahahalagang tungkulin sa pamumuno ng rebolusyon sa mga nakaraang taon. Nanguna siya sa rehiyon ng Panay mula 2016, matapos na gumanap ng mahalagang bahagi sa komprehensibong paglago ng mga rebolusyonaryong pakikibaka sa Northeast Mindanao mula 2006 hanggang 2016. Sa nakalipas na mga taon, pinangunahan ni Ka Hadjie at ng mga kadre ng Panrehiyong Komite sa Panay ang mga rebolusyonaryong pwersa sa rehiyon sa paglaban sa walang humpay at brutal na gera ng panunupil ng pasistang rehimeng Marcos.
Si Ka Emil, kasama si Ka Concha at dalawa pa, ay namartir sa kamay ng 3rd ID at 301st IBde mapos ang sunud-sunod na engkwentro noong Agosto 7,8 at 15 sa Barangay Cabatangan, Lambunao, Iloilo. Pinaniniwalaang dinakip muna siya, pinahirapan bago pinaslang.
Ka Concha/Minay
Maria Concepcion Araneta-Bocala
Nagpultaym na kadre at organisador si Ka Concha, 74, noong 1972. Tinalikdan niya ang lahat ng kaginhawahan at pribilehiyo ng uring panginoong maylupa, at sumama sa inaaping masa ng magsasaka at mga Tumandok sa kanilang pakikibaka para sa lupa at hustisya.
Si Ka Concha ang ikalawang pangalawang kalihim ng Panrehiyong Komite at isa sa mga nanguna sa pagtatag ng rebolusyonaryong kilusan sa isla ng Panay mula 1972. Pinangunahan niya ang IDKP laluna na ang pagsusulat ng burador ng 13-taong paglalagom ng rebolusyonaryong praktika ng Panay at ang pakikipaglaban sa paksyunalismo ng pangkat Tabara-Dumalaog. Itinalaga rin siyang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa negosasyong pangkapayapaan.
Si Ka Concha, kasama ang tatlo pa, ay namartir sa kamay ng 3rd ID at 301st IBde mapos ang sunud-sunod na engkwentro noong Agosto 7,8 at 15 sa Barangay Cabatangan, Lambunao, Iloilo. Pinaniniwalaang dinakip muna siya, pinahirapan bago pinaslang.
Ka Minerva
Rewilmar Torrato
Si Ka Minerva ay kagawad ng Komiteng Tagapaganap ng Panrehiyong Komite, naging kalihim ng Larangang Komite ng Partido sa Central Panay at nitong huli, ng Southern Panay. Nagpakita siya ng walang hanggang pag-unawa ng mga responsibilidad, kasipagan, kasanayan sa gawain (efficiency) at pagiging matatag sa harap ng mga kahirapan at sakripisyo.
Si Ka Minerva, kasama si Ka Concha at dalawa pa, ay namartir sa kamay ng 3rd ID at 301st IBde mapos ang sunud-sunod na engkwentro noong Agosto 7,8 at 15 sa Barangay Cabatangan, Lambunao, Iloilo. Pinaniniwalaang dinakip muna siya, pinahirapan bago pinaslang.
Ka Boy/Miller
Jose Jerry Tacaisan
Si Ka Miller, kasama si Ka Concha at dalawa pa, ay namartir sa kamay ng 3rd ID at 301st IBde mapos ang sunud-sunod na engkwentro noong Agosto 7,8 at 15 sa Barangay Cabatangan, Lambunao, Iloilo. Pinaniniwalaang dinakip muna siya, pinahirapan bago pinaslang.
Namartir sa Barangay Cabatangan, Lambunao, Iloilo noong Agosto 7, 2024. Isa siya sa kinikilala bilang mga Martir ng Agosto 2024 ng Panay.
Ka Zarco/Baijan/Rio
Aurelio B. Bosque
Kilalang pinuno ng mga manggagawa sa asukal at ang malawak na
masa ng isla ng Panay bago magpasyang sumapi sa BHB si Ka Zarco. Inialay niya ang kanyang buhay sa pakikibaka ng mga taong nagpapagal at kanilang pambansang demokratikong layunin.
Namartir siya sa Barangay Aglonok, Calinog, Iloilo, kasama ang lima pa, noong Agosto 8, 2024.
Ka Nene/Kulot
Armando Sabares
Namartir sa Barangay Aglonok, Calinog, Iloilo noong Agosto 8, 2024. Isa siya sa kinikilala bilang mga Martir ng Agosto 2024 ng Panay.
Ka Reagan/Biboy/Pedik
Romulo Iturriaga Gangoso
Ka Porang/Inday/Kaykay
Juvylene Silverio
Ka Amor/Ruby/Mamang
Benjamin Cortel
Ka Roling/Ronron
John Paul Capio
Ka Benmar
Alvin Panoy
Ka Jason
Jeryl Katipunan
Ka Maria Malaya
Myrna Sularte
Tubong Bayugan City, Agusan del Sur, nagmula si Ka Maria, 71, sa isang pamilya ng panggitnang magsasaka. Nagtapos siya ng kursong agroteknolohiya sa isa sa mga unibersidad sa Butuan. Sumapi siya sa Partido noong 1977 at sa sumunod na limang dekada, gumampan siya ng iba’t ibang tungkulin, kabilang ang pamumuno sa rebolusyonaryong gawain sa mga lungsod at kanayunan, kapwa sa kanluran at hilagang-silangang Mindanao.
Kagawad siya ng Komite Sentral at Kawanihan sa Pulitika. Pinamununa niya ang Komisyon ng Mindanao at tumayong kalihim ng Panrehiyong Komite ng Partido sa Northeast Mindanao sa nakaraang mahigit dalawang dekada. Nagsilbi rin siyang tagapagsalita ng National Democratic Front sa Northeast Mindanao. Sa loob ng maraming taon, mahigpit niyang naging katuwang ang kanyang asawa, ang dating tagapagsalita ng BHB na si Ka Oris, sa pamumuno ng Partido at ng BHB sa pagkamit ng rebolusyonaryong mga tagumpay sa pagsusulong ng matagalang digmang bayan.
Namartir siya sa kahuli-hulihan niyang pakikipaglaban noong Pebrero 12, 2025 sa Barangay Pianing, Butuan City, sa isang matinding sagupaan sa pagitan ng BHB at mga pwersa ng 901st Ibde.
Ka Tata
Reggie Fundador
MUla sa pamilyang magsasaka si Ka Tata, 23 anyos, sa Brgy. Cabia-an, Candoni, Negros Occidental. Likas na masayahin, nagpultaym siya sa BHB noong 2020. Nagsilbi siayng tim lider, vice squad leader at kalaunan, gumampan bilang istap sa lohistika at pinansya.
Pinatay si Ka Tata ng mga sundalo ng 15th IB matapos madakip sa Brgy. Camindangan, Sipalay City matapos madakip noong Hulyo 29, 2024. Natagpuan ang kanyang bangkay sa sityo Magtanday kinabukasan, Hulyo 30, 2024. May bakas ng tortyur ang kanyang patay na katawan.
Ka Zian/Land
Alvin Lumagsao Sinsano
Nagmula sa pamilyang maralitang magsasaka na nakatira sa Brgy. Asia, Hinobaan, Negros Occidental, si Ka Zian, 34-anyos. Galing siya sa pamilyang saklaw ng rebolusyonaryong kilusan. Ang kapatid niyang si Ka Bobby ay mandirigma ring namartir noong Setyembre 14, 2021 sa Ilog, Negros Occidental. Nagpultaym si Ka Zian noong 2017 at nagsilbi siyang upisyal sa lohistika, giya pampulitika, iskwad lider, hanggang naging bahagi siya ng komite sa pinansya ng larangan.
Brutal na pinatay si Ka Zian ng 15th IB matapos palibutan ang tinitigilan niyang bahay sa SItyo Camboguiot, Brgy. Camindangan, Sipalay City, Negros Occidental noong Agosto 1, 2024.
Ka Janine
Christian Fat Sarza
Pang-apat sa 13 magkakapatidsi Ka Janine, 26 anyos, sa isang pamilyanng magsasaka. Nagmula siya sa Brgy. Planas, Guihulngan City, Negros Oriental. Nakagradweyt siya ng hayskul at kilala sa pagiging mapagmahal at masunurin sa magulang.
Naging myembro si Ka Janine ng Kabataang Makabayan ng kanilang lugar noong 2013 at nagsilbi siyang pangulo ng balangay. Nagdesisyon siyang magpultaym sa hukbo noong 2015 at nagsibilbing giyang pampulitika ng komite sa larangan.
Namartir siya noong Nobyembre 21, 2024, kasama ng anim pang mandirigma, sa Sityo Suso, Barangay Gatuslao, Candoni, Negros Occidental, sa gitna ng labanan sa pagitan ng kanyang yunit at ng mga sundalo mula sa 47th IB at 15th IB. Kinilala sila bilang mga martir ng Candoni.
Ka Jovanie
Isinilang si Ka Jovanie, 51 anyo sa isang pamilyang panggitnang magsasaka. Isa siya sa mga nakatuntong sa kolehiyo sa kanyang pamilya.
Naging organisador siya ng magsasaka noong 2022 sa norteng bahagi ng isla ng Negros. Naging bahagi siya sa mga pakikibaka para sa pagbubungkal ng lupa, gayundin sa mga pakikibaka para sa pagpapataas ng sahod ng mga manggagawang bukid, kanilang mga benepisyo, lupa para may mabungkal at marami pang iba sa iba’t ibang mga asyenda.
Noong 2009, nagpasya siyang magpultaym sa hukbong bayan. Nagsilbi siyang kagawad ng kalihiman ng komite sa larangan ng Southeast Negros at vice platoon leader ng tropa. Malaki ang kanyang naging kontribusyon dahil sa mahaba niyang karanasan sa pakikibaka para sa lupa.
Namartir siya noong Nobyembre 21, 2024, kasama ng anim pang mandirigma, sa Sityo Suso, Barangay Gatuslao, Candoni, Negros Occidental, sa gitna ng labanan sa pagitan ng kanyang yunit at ng mga sundalo mula sa 47th IB at 15th IB. Kinilala sila bilang mga martir ng Candoni.
Ka Nonoy
Ray Dogomeo
Mula sa uring magsasaka si Ka Nonoy, 27 anyos, sa Brgy. Camalandaan, Cauayan, Negros Occidental. Sa murang edad, naging katuwang siya sa kabuhayan ng kanyang mga magulang.
Nagpultaym siya sa BHB noong 2015 at naging bahagi ng komiteng tagapagpatupad ng yunit ng Partido sa kanyang pormasyon. Hilig niyang magluto at maghanap ng makakain ng mga kasama. Nagsilbi rin siyang iskwad lider.
Namartir siya noong Nobyembre 21, 2024, kasama ng anim pang mandirigma, sa Sityo Suso, Barangay Gatuslao, Candoni, Negros Occidental, sa gitna ng labanan sa pagitan ng kanyang yunit at ng mga sundalo mula sa 47th IB at 15th IB. Kinilala sila bilang mga martir ng Candoni.
Ka Mark
Pedro Pasia Jr
Ipinanganak si Ka Mark, 32 anyos, sa Brgy. Kamandag, La Castellana, Negros Occidental sa pamilyang magsasaka. Lumipat ang kanyang Ilog, Negros Occidental noong bata pa siya. Grade 6 ang tinapos niya sa pag-aaral.
Nagpasyang magpultaym si Ka Mark sa BHB noong 2018. Dahil sa kanyang sigasig, itinalaga siya sa kalihiman ng Partido ng kanyang platun. Tumindig din siyang iskwad lider. Maunawain si Ka Mark sa mga kasama at lagi siyang may panahong makinig sa kanilang mga problema.