Pahayag

2 Special Forces patay sa enkawnter sa NPA-Nueva Ecija

Dalawang pasista ang patay at hindi pa kumpirmado kung ilan ang sugatan sa enkawnter sa pagitan ng New People’s Army at magkasanib na pwersa ng 91st IB (Sinagtala), 84th IB (Victorious), 2nd Special Action Battalion, at Special Action Force noong Setyembre uno, 9:30 ng umaga sa hangganan ng Gabaldon at Gen. Tinio Nueva Ecija. Walang kaswalti sa panig ng NPA.

Halos diretsong tatlong buwan ng ngririgodon ang nasabing tropa ng militar at Special Forces sa kabundukan ng Gabaldon, Gen Tinio at Dinggalan. Sa kanilang desperasyon na may maipagmayabang na tagumpay sa bagong upo na berdugong rehimeng US-Marcos II, nagpahayag sa social media ang 703rd TaskForce Agila na diumano ay may natagpuan silang mga pwesto ng NPA noong ika-18 at ika-19 ng Agosto. Ultimo mga basyong plastik na bote ng mantika, suka at toyo ay ginawang katibayan ng 91st IB. Pati pinaglulutuan ng mga masang hunter sa bundok ay nilitratuhan at ineksibit nila na kalan diumano ng NPA.

Samantalang paulit-ulit na sinasabi ng 7th Infantry Division na nadurog na nila ang NPA sa Silangan-Gitnang Luzon, walang tigil naman ang panghahalihaw nila sa kabundukan. Saanman, at sinuman ang madatnan o mabalitaan nilang nagtitipon-tipon na nagtatrabaho sa kabundukan ay kanilang sinisita, iniimbistegahan at sinisindak. Binulabog nila ang mga grupo ng Dumagat at magsasaka na nakikipag-upahan sa patanim ng DENR sa Gabaldon. Nirerekisa ang baon na suplay ng mga grupo ng nagyayantok. Sinisindak at binabantaan ang mga magkakahoy na paparusahan nila pag nalaman nilang sumusuporta sa NPA. Lahat halos ng masa na may kaingin sa bundok ay suspek nilang nakikipag-ugnayan sa NPA. At sa dulo, paulit-ulit din nilang sinasabi sa masa na military reservation at pag-aari ng Fort Magsaysay ang kabundukan ng Gabaldon, Dingalan at Gen Tinio, na may pagdidiin sa otoridad ng militar na malayang gambalain ang katahimikan ng masa at perwisyuhin ang kanilang hanapbuhay.

Paulit-ulit man maglabas ng mga pekeng balita at pahayag ang AFP kaugnay sa diumano’y pagkawasak ng mga larangang gerilya sa Silangan Gitnang Luzon, ang masang anakpawis ang higit na nakakaalam. Kung paanong matagumpay na nabigwasan ng NPA ang mga berdugong militar, gaya ng diklap ng apoy sa kaparangan ang paglagablab ng magandang balita. Isang tagumpay sa Bagong Hukbong Bayan! Isang tagumpay sa masang lumalaban!

2 Special Forces patay sa enkawnter sa NPA-Nueva Ecija