Pahayag

AFP, walang malasakit sa mga sibilyan, palayasin!

Nagpapatuloy ang malawakang operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Mt. Province. Sinasaklaw ng kanilang mga operasyon ang mga lugar na pinagkukuhanan ng kabuhayan ng mamamayan ng Montanyosa, kabilang dito ang mga pagpastuan, pag-anupan, at mga talon.

Walang pakialam ang AFP kung anuman ang pinsalang idulot ng kanilang mga operasyong militar sa mga sibilyan

Nitong nakaraan lamang, hindi pinaligtas ng mga pasistang tropa ang mga ito mula sa walang habas na pagpaputok at pambobomba. Sa parehong diwa ng walang tunay na pagmamalasakit sa mamamayan, pinaputukan kahapon ng mga nag-oopereyt na pasistang tropa ng Philipiine Army, ang isang magsasaka, si Jether Mangallay, sa Tukok, Ambagiw, Besao, habang nagtatalon. Gayundin, sa di malinaw na dahilan, mayroon ding isang kabataan na hinold ng mga pasista sa Karayan Basa, Tamboan, Besao. Matatandaang ilang linggo pa lang ang nakalilipas, inirereklamo ng mga estudyante ng Brgy. Tamboan ang mga militar na nag-ooperasyon sa parehong lugar na iyon dahil hinaharang sila at hindi pinadadaan. Ilang araw na hindi nakapasok sa eskwela ang mga estudyante.

Ang kasalakuyang matagalan at malawakang operasyon ay bahagi ng Task Force to End Local Communist Armed Conflict (TF-ELCAC) alinsunod sa EO 70 ni Duterte. Malinaw na hindi ito para sa kapakanan ng mamamayan, at kung gayon, maging ang mga pangunahing tagpagpatupad nito, ang AFP. Layon ng TF-ELCAC na hawanin ang landas sa pamamagitan ng “paglilinis” ng lugar sa presensya ng mga NPA para sa pagpasok ng malalaking kapitalistang kumpanya sa minas at enerhiya. Kabilang sa mga ito ang Cordillera Exploration Company Inc (CEXCI), na subsidyaryo ng Nickel Asia Corporation. Saklaw ng apilkasyon nito ang anim (6) na munisipyo ng MT. Province, maliban pa sa ibang munisipyo ng ibang Probinsya. Nakaplano ding magpatayo ng geothermal plant ang Chevron at ang kasosyo nitong Aragorn Power and Energy Corporation, at ang mapanlinlang na pagkakapruba ng BIMAKA Renewable Energy Development Corp. (BREDCO), na makakaapekto sa sampung (10) barangay ng Besao.

Walang maasahang anumang mabuting idudulot ang operasyong militar ng mga tropa ng AFP, na institusyong pasista sa kaibuturan. Hindi makakapagtago ang AFP sa salitang kapayapaan at kapanatagan, dahil kinokontra ito ng sarili nilang mga gawa. Sa rekord ng AFP, maliwanag na walang kapayapaang hatid at walang kapanatagang idudulot ang pagdating nila sa mga komunidad ng Mt. Province.

Palayasin ang AFP sa Mt. Province! Buwagin ang TF-ELCAC!
Labanan ang EO!
Rebolusyon Kayet!

AFP, walang malasakit sa mga sibilyan, palayasin!