Hinggil sa all-out war ni Gen. Gamboa laban sa NPA -- NPA-Panay

Mabilis na dineklara ni General Archie Gamboa ang “all-out war” laban sa NPA bilang tugon sa utos ng kanyang berdugong kumander sa Malacanang. hindi naman ito nakakagulat at nakakatakot.

Namamatay ang pulis dahil umaatake sila sa aming mga sonang gerilya o mga teritoryong saklaw ng rebolusyonaryong gobyerno ng bayan. Payo namin sa PNP na tigilan ang inyong mga strike operations sa kanayunan at pagtuonan ng pansin ang inyong civilian police functions.

Habulin ninyo ang mamamatay-tao sa Malacañang at ang mga dambuhalang magnanakaw sa Kongreso, Senado, Kabinete, AFP at PNP. Ang mga kriminal na ito ang inyong tutukan ng inyong mga baril at hindi ang mga di-armado at naghihikahos na mga magsasaka at manggagawa na lumilikha ng inyong kinakain.

Hinggil sa all-out war ni Gen. Gamboa laban sa NPA -- NPA-Panay