Pahayag

Hinggil sa Paggamit ng NPA sa mga Pasabog sa Mga Labanan sa Bauko, Mt. Province noong Marso 29 - Abril 2

Sa mismong alituntunin nito, mahigpit na pinanghahawakan ng New People’s Army (NPA) na walang madadamay na sibilyan sa mga opensibang inilulunsad nito laban sa mga pasistang tropa ng Estado ng Rehimeng US-Duterte. Kinikilala at tumatalima ang NPA sa mga internasyunal na kasunduan sa batas ng digma at karapatang tao tulad ng Ottawa Convention na nagbabawal sa paggamit ng mga landmine. Kaugnay nito, mariing pibabubulaanan ng Leonardo Pacsi Command (LPC, NPA-Mt.Province) ang paratang ng AFP-PNP na nagtanim ang NPA ng mga landmine at basta na lamang itong iniwan.

Ang yunit ng LPC na napalabanan noong Marso 29-Abril 2 ay gumamit ng mga command detonated explosive (CDX). Kaiba sa mga landmine, sasabog lamang ang mga CDX kung sadyang pasabugin ng taong opereytor nito.

Ipinakat lamang ng mga Pulang Mandirigma ang CDX sa panahong naghahanda sa pag-ambush sa mga pasistang tropa at pinasabog lamang iyon nang mismong nakalapit na ang target – gaya ng makikita sa bidyo.

Kung tutuusin, ang AFP at PNP ay dapat managot sa pangmomortar at pag-i-straffing na siyang nagdulot ng istorbo at takot sa mamamayan. Ito ay sa desperasyong pulbusin ang mga Pulang Mandirigma.
Dapat pasinungalingan at ilantad ang panlilinlang at pananakot ng mga tropa ng AFP at PNP — mga tagapamarali ng terorismo ng Rehimeng US-Duterte.

Hinggil sa Paggamit ng NPA sa mga Pasabog sa Mga Labanan sa Bauko, Mt. Province noong Marso 29 - Abril 2