Pahayag

Hinggil sa pagpaslang ng 95th IBPA

Ngayon Setyembre ang ikatlong buwan ng paghahasik ng karahasan ng AFP sa mga bayan ng San Mariano, Benito Soliven at Ilagan City sa ngalan ng Community Support Program. Ito ay akto ng desperasyon ng rehimeng Duterte sa pagsisikap niyang maghari at manatili sa kanyang kapangyarihan bilang hari ng pasismo sa kabila ng malawakang diskuntento at paglaban ng mamamayan.

Hinding hindi mapapasinungalingan ang katotohanan sa pagyurak sa karapatang pantao ng rehimeng Duterte sa kanyang todo gyera gamit ang kanyang armadong pwersa- AFP, PNP at CAFGU. Pilit pinagtatakpan ng pamunuan ng 5th ID ang lantarang pamamaslang ng mga death squad ng 95th Salaknib Batallion sa pamumuno ni Lt. Col Gladius Calilan matapos ang walang habas na pamamaril sa bahay ng mag asawang sina Sammy at Phylis Pohayon na residente ng Sitio Dipogpog, Brgy Del Pilar, San Mariano Isabela noong Sept 11, 2019 ng 8:30 ng gabi na nagresulta ng agarang pagkamatay ni Sammy at malubhang pagkasugat ni Phylis. Sina Sammy at Phylis ay kapwa kabilang sa pambansang minorya na Ifugao.

Ang pagpaslang na ito ay nangyari sampung araw bago ang anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar noong Setyembre 21, 1972. Sa kasalukuyan, nakapailalim ang buong bansa sa deklarado at hindi deklaradong batas militar. Sa EO 70 o NTF ELCAC, nabuo ang Municipal Task Force ELCAC sa bayan ng San Mariano sa pagitan ng LGU at ng AFP at PNP dalawang araw bago ang insidente. Ngunit hindi ito ang unang pagkakataon ng 95th IB ng walang pakundangang pamamaril. Noong Agosto 13, 2019, nabigo ang unang pagtatangka ng death squad ng 95th IB na patayin si Gorio Velasco na residente ng Sitio Disigit, Brgy Gangalan, SMI matapos na paunlanan din ng bala ang bahay ni Velasco. Ang NTF ELCAC ay manipestasyon ng umiiral na batas militar sa kanayunan.

Si Sammy Pohayon ang kauna-unahang biktima ng mga pamamaslang ng 95th IB na kabubuo lamang noong nakaraang taon. Ito ba ang pamamaraan ng rehimen sa pagkamit ng kapayapaan, sa pamamagitan ng walang awang pagpatay sa mamamayan? Hinding hindi magiging payapa ang bansa kung ang ekonomiya at pulitika ay tanging nasa kamay ng iilan. Hangga’t walang demokrasya at kaunlaran na magsisilbi sa mayorya ng inaapi’t pinagsasamantalahan, maghahangad ang mamamayan ng kapayapaan na tanging makakamit sa pananagumpay ng digmang bayan.

Ngayon Setyembre ang ika-tatlong buwan ng paghahasik ng karahasan ng AFP sa mga bayan ng San Mariano, Benito Soliven at Ilagan City sa ngalan ng Community Support Program. Ito ay akto ng desperasyon ng rehimeng Duterte sa pagsisikap niyang maghari at manatili sa kanyang kapangyarihan bilang hari ng pasismo sa kabila ng malawakang diskuntento at paglaban ng mamamayan.